ANG BATAS PARA SA PANGTAHANANG MANGGAGAWA

KUWAIT SOCIETY FOR
HUMAN RIGHTS
Department of
Domestic Labour
ANG BATAS
PARA SA
PANGTAHANANG
MANGGAGAWA
unang Edition - 2016
kanyang kamahalan Sheikh
Sabah Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah
Amir ng estado ng Kuwait
God Save him and Protect him
Kanyang Kamahalan Sheikh
Nawaf Al-Ahmad Al-Jaber - Al-Sabah
Ang Crown Prince
God save Him
Kanyang Kamahalan Sheikh
Jaber Al-Mubarak Al-Hamad Al-Sabah
Punong Ministro
God save Him
Kanyang Kamahalan Deputy Prime Minister at Panloob na Ministro Sheikh
Muhammad Khaled Al-Hamad Al-Sabah
God save Him
10
UNANG KABANATA
Mga Pangunahing
Kondisyon
11
Artikulo (1)
12
Sa batas na ito, ang mga sumusunod na mga pananalita at ekspresyon
ay magkakaroon ng parehong kahulugan sa magkasunod na mga salita.
1. Pangtahanang Manggagawa: ay maaaring lalaki o babae
na itinalaga sa gawaing pangtahanan sa loob ng pribadong
pamamahay (at magkapareho) sa benepisyo sa mga indibiduwal at
sumusunod sa nakasulat sa kontrata.
2. Amo: Ang tao na kumuha sa pangtahanang manggagawa
upang magtrabaho sa kanya ayon sa nakasulat sa kontrata na
ginawa ng Ministry of Interior.
3. Mga opisina na napapailalim sa mga kondisyon sa batas
na ito: Mga opisina na nangangalap ng mga pangtahanang
manggagawana binigyan ng lisensiya ng Ministry of Interior upang
makapagpatuloy sa ganitong serbisyo o negosyo.
4. Mga Dayuhang Opisina: Mga opisina sa labas ng bansang
Kuwait kung saan maaari silang makapagpadala ng mga pangtahanang
manggagawana maninilbihan, nabigyan ng lisensiya upang
makapagserbisyo o gawin ang negosyo ng legal sa pamamagitan ng
pagpapadala ng mga pangtahanang manggagawana manggagaling sa
opisyal na institusyon sa nasabing bansa at iniendorso sa mga embahada
ng Kuwait sa nasabing bansa.
5. Department of Domestic Labour: Ay ang Departmento ng mga
Pagtahanang Manggagawa sa Ministry of Interior.
PANGALAWANG
KABANATA
Mga Kondisyon upang
Mabigyan ng Lisensiya
ang mga Opisina
13
Artikulo (2)
Kinakailangan na makompleto ang sumusunod na mga kondisyon upang
mabigyan at makapagrenyu ng lisensiya para sa serbisyo o negosyo na
mangangalap ng mga pangtahanang manggagawa:
1) Kinakailanga na ang kukuha ng lisensiya ay isang Kuwaiti nasyunal,
may magandang rekord ng moralidad at reputasyon, hindi nahatulan
ng isang mabigat na kasalanan o krimen kasama ang paglabag sa
integridad o karangalan, kung saan hindi sila napawalang-sala.
2) Kinakailangan na ang kukuha ng lisensiya ay may edad na hindi
bababa sa trenta at hindi hihigit sa pitumpong taon na gulang.
3) Kinakailangan na mayroong hayskul na diploma, at may magandang
kalusugan, upang maiwasan ang anumang inkapasidad na
makapagtrabaho.
4) Kinakailangan na ang kukuha ng lisensiya ay magbibigay ng sulat bilang garantiya na
manggagaling sa lokal na bangko. Ang halaga ng pera bilang garantiya ay pagdedesisyunan
na manggagaling sa Ministry of Interior.
Ang mga kompanya na magnenegosyo sa pangangalap ng mga pangtahanang manggagawakung
saan ang bansa o isang pangpublikong mga institusyon ay may bahagi sa puhunan ng kompanya
ay maaaring mabigyan ng lisensiya. Ang kikitain ng kompanya ay hindi dapat lalagpas sa sampung
porsiyento (10%) bilang balik sa puhunan ng namumuhunan. Pinapayagan ang pagbigay ng
lisensiya sa kompanya na may negosyong mangangalap ng mga pangtahanang manggagawa.
14
Artikulo (3)
Hindi papayagan
ang pagpapangalap ng mga pangtahanag
manggagawa na walang lisensiya na ini-isyu
galing sa Ministry of Interior.
15
PANGTATLONG
KABANATA
Mga Obligasyon ng
bawat Partido sa
Kontrata
16
Unang Bahagi
Mga Obligasyon
sa mga Opisina
na Mangangalap
17
Artikulo (4)
Ang may-ari o ang kanyang
mga empleyado o kasamahan sa
loob o labas ng Kuwait ay hindi
papayagan na humingi ng bayad
sa pangtahanang manggagawa(
at sa sinuman kapareha) bilang
kapalit sa pagkakaroon ng amo o
ang pagpapanatili sa kasalukuyang
trabaho, maaring ang hihingiin na
kabayaransa paraan na direkta o
hindi. Kung mapapatunayan na
may binabayaran sa paahon ng
pag proseso aymapaparusahan ang
may-ari alinsunod sa PenalCode
para sa mga krimen na pangingilikil
at paghingi sa mga ipinagbabawal
na mga kabayaran. Ang opisina
ay hindi dapat gawin bilang
pamamahay ng mga manggagawa.
17
Artikulo (5)
Ipinagbabawal sa mga
opisina ang pagpapahayag,
pagtaguyod, pagbigay
pamantayan sa mga
manggagawa ayon sa
pananampalataya, kasarian,
kulay, o pagpapahayag
sa kanila sa mga paraang
magpapababa ng kanilang
moral.
18
Artikulo (6)
Kinakailangan na kontakin ng
opisina na nangangalap ng mga
pangtahanang manggagawa ang
Department of Domestic Labour
kapag ito ay nagpapadala ng
sulat sumon sa opisina.
19
Artikulo (7)
Ang amo ay
kinakailangan
namagbigay ng sweldo
para sa manggagawa na
naninilbihankada buwan
sa napagkasunduang
sahod. Ang resibo ng
pagpapadala o resibo
sa naibigay na pera ay
mga uri ng katibayan
na ang manggagawaay
nakakatanggap sa
kanyang sahod.
20
Pangalawang
Bahagi
Obligasyon
ng Amo
Artikulo (8)
Ang buwanang sahod
sa pangtahanang
manggagawaay simula
sa aktuwal na araw kung
kailan ito nagsimulang
manilbihan sa amo. Hindi
papayagan sa alinmang
kadahilanan ang pagbawas
sa anumang bahagi ng
sahod.
21
Artikulo (9)
Kinakailangan
bigyan ng amo
ang pangtahanang
manggagawang
pagkain, damit, gamot
na inumin at medical
na pagpapagamot at
matutuluyan.
22
Artikulo (10)
Ipinagbabawal ang paglipat sa
manggagawasa mga lugar na
delikado na maaaring magdulot
ng peligro sa kalusugan o
maglagay nito sa kahihiyan.
Ang Department of Domestic
Labour ay may kapangyarihan
na pakinggan ang anumang
hinaing kaugnay sa
ganitong pag-uugali.
23
Artikulo (11)
Ang amo ay
dapat magbigay ng
tamangmatutuluyan
para sa pangtahanang
manggagawa
24
Artikulo (12)
Ipinagbabawal na
itago o kukunin ng
amo ang mga personal
na pagkakakilanlan
ng manggagawatulad
ng pasaporte, civil
status kard, maliban
na lamang kung
ang manggagawaay
papayag sa
kasunduan.
25
Artikulo (13)
Pangatlong
Bahagi
Obligasyon ng
Pangtahanang
Manggagawa
Kinakailangan
na gagawin ng
pangtahanang
manggagawaang ibinigay
na gawain sa kanya
alinsunod sa nakasulat
na mga kondisyon sa
kontrata.
26
Artikulo (14)
Habang
nasa trabaho, ang
manggagawaay dapat na
sumunod sa instruksiyon at
direksiyon ng amo sa ayun
sa nakasaad na kondisyon
sa kontrata.
27
Artikulo (15)
KInakailangan
na proteksyunan
ng pangtahanang
manggagawaang
kayamanan at mga
kagamitan ng amo at
ipinagbabawal din ang
paglantad sa mga sekreto
ng amo.
28
PANG-APAT NA
KABANATA
Ang Gawain at
Kontrata sa
Pangtatrabaho
29
Artikulo (16)
Unang Bahagi
Mga
Mahalagang
Kondisyon sa
Kontrata
Sa panahon na matapos na
ang kontrata sa pagitan ng
pangtahanangmanggagawaat nang
amo, ang amo ay dapat magbayad
sa manggagawasa lahat ng mga
karapatan na nakasulat sa kotrata at
itinakda sa batas na ito. Ang kontrata
ay maaring awtomatikong i-renyu kung
alinman sa hindi ang dalawang partido
(pangtahanang manggagawao amo) ay
magpapahiwatig na hindi magrerenyu sa
panahon na hindi bababa sa dalawang
buwan bago matapos ang kontrata.
30
Obligasyon sa Nagmamay-ari ng
Artikulo (17)
Opisina Ang tagapagpangalap na opisina ay magbibigay kasiguraduhan na ang trabaho ng
pangtahanang manggagawaay magpapatuloy sa loob ng anim na buwan. Kinakailangan maibalik
ng opisina ang manggagawasa kanyang bansa at kailangan mabayaran ang amo sa magkano
mang halaga ang nabayad kung alinman sa mga sumusunod na pangyayari ang maganap:
1. Kung may mga pangyayari na maghahadlang sa manggagawana hindi makagawa sa kanyang
tungkulin, kung saan hindi na mabigyan ng amo.
2. Kung ang manggagawaay magkakasakit ng malala at ito ay makakahawa o anumang pisikal o
medical na problema o problema sa pag-iisip na siyang magpapapigil sa pagtatrabaho.
3. Kung ang ang amo ay hindi makapagbigay ng residence status dahil sa mga legal na mga
restriksyon na ibinigay ng publikong namamahala.
4. Kung ang manggagawaay tinanggal sa lista ng publikong pamamahalaan.
5. Kung ang opisina ay magbibigay ng maling impormasyon tungkol sa
pangtahanangmanggagawa.
6. Kung ang pangtahanang manggagawaay tatanggi na magtrabaho o umalis sa trabaho ng hindi
ipinapaalam kung saan pupunta.
Kung ang opisina ay tatanggi na magbayad para sa pagpapabalik samanggagawadoon sa kanyang
bansa o pagbayad sa mga halangang kailangan ibalik sa amo, ipagpatuloy ng Department of
Domestic Labour ang isyung ito sa pamamagitan ng pagbawas sa garantiyang kasulatan na
nakatakda sa Artikulo 2 nitong batas.
31
Artikulo (18)
Hindi pinapayagan
ang mga amo na magarkila ng pangtahanang
manggagawang walang
kontratang pangangalap
(bilateral o trilateral ayun sa
sirkumstansya) na ini-isyu
ng Department of Domestic
Labour sa Ministry of Interior.
Ang kontrata ay gagawin sa
linggwahe ng Arabic at English
at kinakailangan na kasama ang
mga sumusunod na detalye:
32
−Pangalang ng pangtahanang manggagawana may
kompletong impormasyo tungkol sa kanya.
−Pangalang ng magiging amo na may kompletong
impormasyo tungkol sa kanya
−Tagal ng Kontrata.
−Petsa kung kailan magsimula ang trabaho.
−Ang napagkasunduang sahod at paraan ng
pagsweldo.
−Uri at klase ng trabaho na ibibigay sa manggagawa.
−Detalyadong paglalarawan sa lugar na
pagtatrabahuan.
Pangalawang
Bahagi
Artikulo (19)
Sa Sahod
Ang salitang
“sweldo”
ay tumutukoy sa
panimulang sahod na
ibabayad sa pangtahanang
manggagawana nakalagay
sa kontrata sa pagitan ng
dalawang partido. Ang
sahod ay maaaring hindi
bababa sa minimum na
sahod na pinagdesisyunan
ng Minister of Interior.
33
Artikulo (20)
Obligasyon ng amo
na magbayad ng sahod bawat
katapusan ng buwan na
napagkasunduan sa kontrata.
34
Pangatlong
Bahagi
Artikulo (21)
Ipinagbabawal
ang pagkuha o pagpapatrabaho ng pangtahanang
manggagawa, mapa babae o lalaki man, kung ang edad
ay hindi pa umabot sa 21 na taon na gulang o higit sa
60 na taon. Ang ministro ng kakayahan ay maaring
magbigay ng eksepsiyon sa kondisyon ng edad.
35
36
PANGLIMANG
KABANATA
Sa Mga Oras ng
Pagtatrabaho at
Bakasyon
37
Artikulo (22)
Ang kontratang pangagalap
38
ay gagawin ng Department of Domestic Labour at kinakailangan na
isama ang mga sumusunod na mga karapatan ng mga pangtahanang
manggagawa:
1.Obligasyon ng amo na magbigay ng pagkain, matutuluyan at
damit ang kanyang manggagawa, kasama ang mga medikal na
pagpapagamot kung sakaling kinakailangan sa trabaho at kabayaran
sa mga pinsala sa trabaho.
2.Ang oras ng trabaho ay hindi hihigit sa dose oras bawat araw at
masalitan ng oras ng pahinga.
3.Ang manggagawaay may karapatan na magkaroon ng pahinga bawat
linggo at bakasyon bawat taona bayad.
4.Kinakailangan na may sugnay na magsasalaysay na ang pasaporte
ng manggagawaay isang personal na dokumento na kinakailangan
manatili sa posisyon ng manggagawa. Ipinagbabawal na ito ay
kukunin ng amo maliban na lamang kung papayagan ng katulonng
ang amo na gawin ito.
5.Ang amo ang magbabayad sa transportasyon kung sakaling mamatay
ang manggagawaat ipapauwi ang katawan nito sa kanyang bansa, at
kinakailangan na bayaran siya sa buwan kung kailang ito pumanaw.
PANG-ANIM NA
KABANATA
Kabayaran Matapos
ang Serbisyo
39
Artikulo (23)
Ang bayad
matapos ang serbisyo
ay paglalaanan upang
maibigay pagkatapos ng
kontrata.Isang buwan
na sahod bawat taon
ng paninilbihanang
naitakdang halaga na
ibibigay.
40
PANGPITONG
KABANATA
Mga Multa
41
Artikulo (24)
42
Unang Bahagi
Kung hindi nasunod ang mga kondisyon sa Artikulo 25 sa
Mga Panukalang
batas na ito, ang Direktor ng Department of Domestic Labour
Administratibo na
ay maaaring magbigay ng administratibong aksyon laban
gagamitin laban
sa opisina ng pangtahanang manggagawakung isa sa mga
pangyayari ay magaganap:
sa Opisina ng
a) Kung mabigong kontakin ng opisina ang Department
Pangtahanang
of Domestic Labour sa oras na mabigyan ng sumon,
Manggagawa
maliban na lamamg kung makapagbigay ito ng
pruweba sa pagiging sagabal nito.
b) Kung mabigo ang opisina na magpadala ng
pangtahanang manggagawasa amo sa loob ng 24 na oras maliban lamang kung
makapagbigay ito ng pruweba sa pagiging sagabal nito at ipagbigay alam ito sa
Department of Domestic Labour.
c) Kung mabigo ang opisina na tanggapin kaagad ang pangtahanang manggagawasa
oras na dumating ito galing sa kanyang bansa o pagkahuli na walang katanggap
tanggap na pagpapaalam.
d) Kung ang opisina ay makikipag-ugnayan sa mga takas na manggagawa o kung
nakuha nang ibang partido.
e) Kung pinagtibay ng opisina ang kontrata na may paglabag sa porma ng kontrata na
inaaprobahan ng Department of Domestic Labour.
Ang ehekutibong regulasyon na batas na ito ay magpapaliwanag sa lahat ng panukalang
administratibo na gagawin. Ang panukalang ito ay dapat magbibigay ng konsiderasyon sa at
tutugma sa antas ng paglabag na nagawa.
Artikulo (25)
Mapapawalang bisa ang lisensiya
sa pagpapangalap ng mga manggagawasa ilalim ng mga sumusunod
na pangyayari:
1.Kung ang may-ari ay mawalan sa anumang kodisyon na kailangan
upang makakuha ng lisensiya.
2.Kung ang may-ari ay makakatanggap ng anumang halaga
na manggagaling sa manggagawakapalit ang pagkuha o
pagpapangalap ng manggagawa.
3.Kung mapapatunayan na ang may-ari ay nakakakuha ng lisensiya
sa pamamagitan ng mali o gawa-gawang mga impormasyon.
4.Pagkatapos ng lisensiya o pagwawakas ng lisensiya sa desisyon ng
may-ari at pagsara o likidasyon ng opisina.
5.Kung ang lisensiya ay ipapaubaya ng may-ari sa pangatlong
partido.
6.Kung ang opisina na nangangalap ng mga manggagawaay
ginagawang tuluyan ng mga manggagawa.
Maaring isuspende ng Minister of Interior ang lisensiya sa loob ng
tatlong buwan sa halip na bawiin ito sa alinmang pangyayaring
magaganap na nabanggit sa itaas. Kung ang mga paglabag ay paulit na
mangyayari, ang lisensiya ay permanenteng babawiin.
43
Artikulo (26)
Ang mga desisyon na isuspende
o bawiin ang lisensiya ay
maaaring i-apila bago sa
Ministry of Interior sa loob
ng isang buwan kung kailan
ipinagbigay alam ang desisyon
sa may-ari. Ang may-ari
aypagsasabihan sa desisyon
ng Ministo upang tanggapin
o ayawan ang apila sa loob ng
animnapong araw simula sa
araw na ilalabas ang desisyon.
44
Pangalawang
Bahagi
Mga Multa
Laban sa
Amo
Artikulo (27)
Kung mahuli
sa pagbayad ng sahod ang
amo sa napagkasunduang
oras, ang pangtahanang
manggagawaay
may karapatan na
bibigyan ng 10
KD sa bawat
buwan na hindi
nabigyan ng
sahod.
45
Artikulo (28)
Kung ang amo
ay tatangging magbayad sa overtime
na trabaho ng manggagawa, ang
manggagawaay may karapatan na
magsumite ng reklamo laban sa amo
sa Department of Domestic Labour.
Pagkatapos masuri ang reklamo,
obligasyon ng departamento
na pagpapabayarin ang amo sa
makatarungang bayad na hindi
bababa sa dobleng sahod ayon
pinagsang-ayunan sa kontrata.
46
Artikulo (29)
Ang sinumang
mangangalap ng
pangtahanang manggagawana
ang edad ay mababa sa 21
na taon ay mapaparusahan
ng pagkakulong ng
hanggang anim na buwan at
kinakailangan na magbayad ng
piyansa na hindi hihigit sa 500
KD, o alinman sa dalawang
parusa.
47
Artikulo (30)
Sa oras na mapatunayan
ang reklamo laban sa amo bago sa Department
of Domestic Labour, walang ibibigay na entry visa
sa amo sa panahunang ibibigay ng ehekutibong
regulasyon sa batas na ito.
48
PANG-WALONG
KABANATA
Hindi
Pagkakaunawaan
49
Artikulo (31)
Ang tungkol
sa hindi pagkakaunawaan
na mangyayari sa pagitan
ng dalawang partido ng
kontrata, ang Department
of Domestic Labour ay may
kapangyarihan na ayusin ang
hindi pagkakaunawaann ayun
sa paraan na isinalaysay sa
naipalabas na regulasyon para
sa ganitog pangyayari. Kung
hindi maaayos, ang hindi
pagkakaunawaan ay ipaparating
sa korte.
50
Artikulo (32)
Kung maaayos ang hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang partido, ito
ay dapat nakasulat sa kontrata at bibigyan ng kopya ang
pangtahanang manggagawaat ang opisina nito at ang
Department of Domestic Labour.
51
Artikulo (33)
Ang Department
of Domestic Labour ay ang
magbibigay ng pansamantalang
karagdagang permiso sa pagtira
para sa manggagawahanggang
sa mabigyan ng pangwakas
na desisyon ang nagrereklamo
at hanggang sa mabayaran
ang manggagawasa lahat
ng kanyang karapatan na
makukuha.
52
Artikulo (34)
Kung ang hindi
pagkakaintindihan sa pagitan ng
pangtahanang manggagawaat ang amo ay
mareresolba, kinakailangan ng Department of
Domestic Labour na magpalabas ng quittance
certificate sa pangtahanang manggagawana
magsasalaysay na wala na siyang karagdagang
karapatan na makukuha o humingi ng iba
pang bayad sa:
1.Amo
2.Opisina na Mangangalap
Ang kopya ng certificate ay ibibigay sa:
−Amo.
−Opisina na Mangangalap.
−Pangtahanang manggagawao ang
kanyang kinatawan.
53
Artikulo (35)
Kung ang hindi
pagkakaunawaan na
mangyayari ay hindi
maaayos, papahintulutan
ang dalawang partido ng
kontrata na ideretso ang
kanilang kaso sa korte
upang mapabilis ang
paghingi ng konsiderasyon
sa kaso bago pa man ang
Labour Circuit.
54
Artikulo (36)
Ang lahat
ng kaso para sa
mga pangtahanang
manggagawakung saan
ang ang magrereklamo
ay ang manggagawa,
siyaay bibigyan ng
libreng serbisyo sa
hukuman sa lahat na
lebel ng proseso.
55
Artikulo (37)
56
Ang tagapamahala ng Labour Circuit ang siyang responsable sa
pagtala ng petsa para sa sesyon upang kusang mapabilis ang
pag-ayos sa hindi pagkakasundo. Ang petsa ay hindi dapat na
lalagpas ng isang buwan. Ang Department of Court Registrars ay
responsable sa pagpapaalala ng petsa para sa sesyon sa dalawag
hindi magkainitindihang partido upang pakinggan ang kaso ng
hindi bababa sa dalawang linggo bago ang sesyon.
Artikulo (38)
Ang anumang paksa na hindi nabanggit
sa batas tungkol sa proseso ng hukuman
ay kinakailangan pamunuan sa mga
kondisyon ng Decree Law No. 38 ng 1980
upang maipahayag ang batas ng Civil at
Commercial Proceedings at ng matugonan
ang mga pagbabago ng mga batas.
57
58
PAGSIYAM NA
KABANATA
Mga
Pangkalahatang
Kondisyon
59
Artikulo (39)
Ang kahilingan
60
na makakuha ng lisensiya upang ipagpatuloy
ang negosyo na mangangalap ng mga
pangtahanang manggagawaay kinakailangan
na isumite sa Department of Domestic
Labour sa pamamagitan ng pa fill up sa
application form. Kinakailanngan na i-attach
ang anumang mga importante na mga
dokumento. Ang lisensiya ay ibibigay na
nakaayon sa desisyon ng Undersecretary ng
Ministry of Interior. Ang may-ari ay hindi
papayagan na makakuha ng higit sa isang
lisensiya o makapagbukas ng iba pang sangay
ng korporasyon o opisina na nabigyan nan g
lisensiya.
Artikulo (40)
Ang lisensiya ayon sa kondisyon ng batas na ito ay para sa
indibidwal at hindi maaaring pangatawanan ng ikatlong
partido para mamahala sa negosyo. Ang lisensiya ay
magtatapos sa oras na mamatay ang may-ari. Ang mayari ay maaring maghirang ng office manager sa kondisyon
na ang office manager ay kamag-anak hanggang second
degree ng may-ari at ang manager ay makamit ang mga
kondisyon na nabanggit sa Artikulo (2) sa batas na ito.
Ito ay walang kinikilingan sa karapatan ng Department
of Domestic Labour na magsumon sa may-ari ng opisina
anumang oras na hindi ito angkop.
Pinapayagan ang paglipat ng lisensiya sa ikatlong partido sa
aliman sa mga sumusunod na kalagayan:
1.Kung ang may-ari ay mag-eedad nang lagpas 70 na
taon na gulang, ang lisensiya ay maaaring ipasa sa
asawa o isa sa mga anak.
2.Sa oras na mamatay ang may-ari, ang lisensiya ay
maaring ipasa sa kanyang asawa o tagapagmana o isa
sa mga anak.
Upang mailipat ang lisensiya sa alinman sa dalawang
kalagayan, ang indibiduwal na malilipatan ng lisensiya ay
dapat na makamit ang mga kondisyon na nakalagay sa
Artikulo (2) sa batas na ito.
61
Artikulo (41)
Ang legal na kinatawan
ng mga tagapagmana sa namatay na may-ari
ay bibigyan ng oras na hindi lalagpas sa anim
na buwan upang likidahin ang opisina ng
negosyo at bayaran ang halaga ng garantiya
kung walang pagnanais na ipagpatuloy ang
negosyo.
62
Artikulo (42)
Kung ang lisensiya
ay ipinalabas sa unang pagkakataon, ito ay bibigyan ng isang taon at
maaring makapagrenyu taon taon. Ang napagddesisyunan na kontrata
sa pagitan ng opisina at ang kapilas na bansa na magpapadala ng
pangtahanang mga manggagawaay kinakailangan ipapakita sa oras na
makiusap na magrenyu ng lisensiya. Ang nasabing kontrata ay dapat
aprobado ng Embahada ng Kuwait ( sa bansang magpapadala), kung
alinman, atsertipikado ng Kuwaiti Ministry of Foreign Affairs.
63
Artikulo (43)
Ang
halangang
mababayaran
kapag mabigyan
ng lisensiya ayon
sa mga kondisyon
ng batas na ito ay
pagdedesisyunan ng
Minster of Interior.
64
Artikulo (44)
Ang mga
empleyado
na mahirang batay sa desisyon
ng Minister of Interior ay may
karapatan na siyasatin ang opisina
at mga pasilidad kung saan ang
negosyo ay mangangalap ng mga
pangtahanang manggagawa,
sabay ang pagtingin sa mga ledgers
at rekords at tingnan ang mga
paglabag na makikita sa panahon
ng pagsisiyasat. Kailangan ang
mga report ay ihahanda at itutukoy
sa karapat dapat na grupo upang
mabigyan aksiyon.
65
Artikulo (45)
Ang may-ari
ng negosyo sa
pagpapangalap ng mga
manggagawaay may
limitasyon sa pagpangalap
ng mga pangtahanang
manggagawalamang na
manggagaling sa ibang
bansa upang magtrabaho
eksklusibo sa loob ng Kuwait.
66
Artikulo (46)
Hindi papayagan
ang amo na ipapadala
ang manggagawaupang
magtrabaho sa labas ng
bansang Kuwait. Kung
mangyari ito ng walang
anumang kasunduan ang
gagawin sa manggagawa
ay maaring pauwiin ang
manggagawasa kanyang
bansa kung saan ang amo ang
magbabayad ng ticket pauwi
sa bansa.
67
Artikulo (47)
Ang hindi pagsunod
sa mga kondisyon na nakalagay
sa Atikulo 1 ng Batas Numero 111
noog 2013 na nagsasalaysay tungkol
sa mga lisensiya sa pagnenegosyo,
ay hindi na papayagan na
maipagpatuloy ang negosyo na
mangangalap ng mga pangtahanang
manggagawamaliban na lamang
kung ang lisensiya ay nakuha galing
sa Ministry of Interion.
68
Artikulo (48)
Ang hindi pagsunod sa maraming
parusa na ibinigay ng Penal Code o
sa ibang mga batas, ang sinuman na
magnenegosyo ng pagpapangalap ng
mga pangtahanang manggagawang
walang lisensiya na binigay ng
Ministry of Interior ay mapaparusahan
ng pagkakakulong ng hindi hihigit sa
sampung taon at kinakailangan na
magbayad ng hindi hihigit sa 10,000
KD. Ang parusang ito ay madudoble
kung mangyaring maulit ang nasabing
gawain sa loob ng dalawang taon
simula sa unang pagsentensiya.
69
Artikulo (49)
Ang bagong dating
na pangtahanang manggagawana
hindi kinuha ng amo sa loob ng
24 oras simula sa pagdating ay
kinakailangan na mabigyan ng
pansamantalang matuluyan at
pagrerentahan kada araw na
pagdedesisyunan ng Ministry of
Social Affairs and Labour. Ang
tirahan na ito ay kinakailangan
na sumusunod sa mga kondisyon
na binibigay ng Ministry of Social
Affairs and Labour.
70
Artikulo (50)
Ang opisina
na mangangalap ng mga
pangtahanang katulog na
nabigyan ng lisensiya simula
noong naipalabas ang batas ay
kinakailangan na mag-adjust sa
kanilang estado upang sundin ang
mga kondisyon sa batas sa loob
ng hindi hihigit sa tatlong buwan
simula sa araw na ipinalabas ang
ehekutibong mga regulasyon sa
batas na ito.
Ang paglabag sa mga kondisyon
sa loob ng mga araw na nabanggit
ay magreresulta sa pagbawi ng
lisensiya.
71
Artikulo (51)
Sa oras na tumakas
ang manggagawasa kanyang trabaho,
ipapadeport ng Ministry of Interior
ang manggagawasa kanyang bansa
, pagkatapos makolekta ang bayad
sa mga nagastos sa pagbiyahe, ticket
at ang halagang nabayad ng amo,
sa partido kung saan tumuloy ang
tumatakas na manggagawa, o sa
nangangalap na opisina kung sakaling
hindi makontak ang nagpapatuloy sa
takas na manggagawa. Ito ay upang
mabigyan ng kapalit ang amo sa loob
ng oras ng paggarantiya.
72
Artikulo (52)
Ang Minister of
Interior
ang responsable sa
pagbibigay ng mga
pangkaloobang
regulasyon, palatuntunan,
at mga desisyon na
kinakailangan upang
maisakatuparan ang
batas sa loob ng anim na
buwan simula sa araw
na inilathala ng Official
Gazette.
73
Artikulo (53)
Decree Law No. (40) ng 1992 tugkol
sa regulasyon ng mga opisina ng
pribadong
paninilbihan ay nakansela.
74
Ang Prime Minister at ang mga Ministro- ang bawat
isa ayun sa kani-kanilang mga responsibilidad- ay
kinakailangan na maisakatuparan ang batas.
Artikulo (54)
Emir sa Bansang Kuwait,
Sabah Al-Ahmad Al-Sabah
75
Tinuturuan ang migranteng manggagawa tungkol sa
kanilang mga karapatan sa Kuwait
W W W. L P - K W. O R G