enero 9-13 - Every Nation NYC

Gabay sa Pananalangin at Pag-aayuno 2017
E N E RO 9 - 1 3
KNOWING
GOD
FILIPINO
KNOWING
GOD
ni JIM LAFFOON
FILIPINO
© 2017 ng Every Nation. Lahat ng karapatang pang-ari.
Isinalin mula sa lathalaing Ingles ng Every Nation.
Ang sipi ng Kasulatan, maliban na lamang kung binanggit,
ay hango sa Ang Salita ng Dios ® Copyright © 2010, 2014 ng Biblica, Inc.
Lahat ng karapatang pang-ari sa buong mundo.
everynation.org/fasting #ENfast2017
MGA NILALAMAN
Panimula.....................................................................................................................1
Praktikal na Gabay sa Panalangin at Pag-aayuno.......................................2
Mga Nasagot na Panalangin Mula 2016........................................................4
Nais Makamtan sa Pananampalataya para sa taong 2017.....................5
Day 0: Ang Kasulatan at ang Kapangyarihan ng Diyos............................6
Day 1: Ang Balon ng Kaligtasan.........................................................................8
Day 2: Ang Talim ng Espiritu............................................................................12
Day 3: Pananalangin sa Tulong ng Espiritu................................................ 16
Day 4: Ang Espada ng Espiritu........................................................................20
Day 5: Pakikinig sa Tinig ng Diyos.................................................................23
Ipanalangin para sa mga Bansa
(Mapa at Mga Dapat Ipanalangin).................................................................28
TUNGKOL SA SUMULAT
Si Jim Laffoon ay ang internasyonal na direktor ng
Every Nation School of Empowerment at nagsisilbi
sa ilalim ng International Apostolic Team ng Every
Nation pati narin sa North America Leadership
Team. Madalas siyang magpunta sa iba’t-ibang lugar
upang magturo. Naninilbihan din siya sa ibat-ibang
bahagi ng katawan ni Cristo sa pamamagitan ng
pagpapahayag ng propesiya. Isinulat din niya ang
mga librong Our Daily Blog, Divine Alliance, at Building
Authentic Community. Siya at ang kanyang asawa na
si Cathy ay tatlumpu’t anim na taon nang nagsasama,
at sila ay may pitong anak.
PANIMULA
Ayaw Kong Mag-ayuno,
pero Ginagawa Ko pa rin Ito
Hindi ko na maalala kung anung taon tayo nagsimula o kung sino ang nakaisip na
gawin ito (malamang na si Pastor Manny Carlos sa Manila, siguradong hindi ako),
pero sa naaalala ko, sinisimulan ng Every Nation ang bawat taon sa isang linggo ng
pananalangin, pag-aayuno, at paglalaan ng ating sarili para sa Diyos.
Ang mga panahon na ito ng taon na sa totoo lang ay pareho kong paborito at hindi
paborito dahil hindi ko gustong mag-ayuno pero gusto ko ang bunga ng pag-aayuno.
Sa loob ng mahabang panahon na marami na akong narinig na mga patotoo ng
kaligtasan, paggaling ng karamdaman, paglalaang pananalapi, kalayaan mula sa
pagkakalulong sa mga bagay, pagbangon ng mga negosyo, pag-angat ng posisyon sa
trabaho, malinaw na direksyon, at pagsasaayos ng mga nasirang relasyon. Ang mga
ito ay bunga ng mga sinasagot na mga panalangin tuwing tayo ay mag-aayuno.
Alam ko na ang taong 2017 ay hindi naiiba dahil pinapakinggan at sinasagot pa rin
ng Diyos ang ating mga panalangin.
Kaya ngayong darating na Enero 9-13, isasagawa natin ang sinasabi sa Joel 1:14,
“Sabihin ninyo sa mga tagapamahala ng Juda at sa lahat ng kanyang mamamayan
na pumunta silang lahat sa templo ng Panginoon na inyong Diyos at mag-ayuno.
Humingi sila ng tulong sa Panginoon.”
Ikaw ay inaanyayahang manalangin araw-araw kasama ng libo-libong kabahagi ng
Every Nation sa buong mundo. Salamat sa pakikiisa sa pagtitiwala sa Diyos upang
magbago ang ating mga tahanan, ating mga bayan, at ang ating mundo.
Steve Murrell
Presidente, Every Nation Churches & Ministries
1
Isang Praktikal na Gabay
sa Pananalangin at Pag-aayuno
PAGHAHANDA PARA SA PAG-AAYUNO
Pagkatapos, sinabi ni Josue sa mga tao, “Linisin ninyo ang inyong sarili dahil bukas
ipapakita sa inyo ng Panginoon ang mga kamangha-manghang bagay.”
JOSUE 3:5
Manalangin—Maglaan ng oras sa pagbabasa ng Bibliya bago ang pag-aayuno.
Sa pahina 4 at 5, isulat ang mga nais mong matupad at ang mga nasagot mong
panalangin noong 2016.
Magpasya—Ipanalangin kung ano ang uri ng pag-aayuno na gagawin mo at
magpasyang gagawin ito bago pa man ang takdang araw. Huwag gawin ang
desisyon sa bawat araw ng nakatakdang pag-aayuno. Hingin sa Diyos ang
kakayahan na gawin ito.
Magsagawa—Simulang bawasan ang pagkain ng dahan-dahan ilang araw bago ang
unang araw ng pag-aayuno. Iwasan ang mga pagkaing matatamis at mamantika. Sa
linggo ng pag-aayuno, iwasan hangga’t maaari ang mga sobrang nakakapagod na
gawain pati na rin ang pakikisalamuha sa mga tao. Humanap ng makakasama sa
panalangin na susuporta sa iyo hanggang sa matapos ang pag-aayuno.
PAALALA: Kumunsulta sa doktor, lalo na kung ikaw ay buntis, nagpapasuso, o
kaya ay may gamot na iniinom sa mga panahon na ito. Kung hindi ka maaaring
mag-ayuno, pagplanuhan kung ano ang pinakamainam para sa iyo.
HABANG NAG-AAYUNO
Pero sumagot si Jesus, “Sinasabi sa Kasulatan, ‘Hindi lang sa pagkain nabubuhay
ang tao kundi sa bawat salita ng Diyos.’”
M AT E O 4 : 4
Magtuon ng pansin—Maglaan ng panahon upang sagutan ang debosyonal na ito.
Maging handang tumugon sa Salita ng Diyos at sa sasabihin ng Banal na Espiritu.
Manalangin—Sumali sa isang sama-samang pananalangin sa iyong iglesya.
Manalangin para sa iyong pamilya, iglesya, pastor, bayan, mga paaralan, at misyon
sa buong linggo.
Magpalakas—Sa tuwing oras ng pagkain, magbasa ng Bibliya at manalangin.
Uminom ng tubig at magpahinga tuwing may oras. Maging handa sa pasumpongsumpong na panghihina, kawalan ng pasensya, at pagiging mainisin.
2
Knowing God
PAGHINTO SA PAG-AAYUNO
“At kung dumulog kayo sa akin para humingi ng tulong, kayo’y aking sasagutin.”
ISAIAS 58:9
Kumain—Dahan-dahanin ang muling pagkain ng karaniwan mong kinakain.
Kailangan ng katawan mo ng panahon upang muling matanggap ang dating dami
at uri ng iyong pagkain. Simulan sa prutas, mga inumin, at salad, at saka kumain ng
gulay. Kumain ng maliliit na bahagi lamang sa buong maghapon.
Manalangin—Huwag bibitiw! Manalig sa katapatan at sa takdang oras na inilaan ng
Diyos. Isapamuhay sa buong taon ang bago mong taglay na pagmamahal sa Kanya.
Manampalataya na sasagutin ng Diyos ang iyong mga panalangin.
DAY 1
MGA PAGPIPILIAN
OOTubig lamang
OOSabaw o inumin lamang
OOAlmusal, tanghalian, o
hapunan lamang
OOIba pa
DAY 2
MGA PAGPIPILIAN
OOTubig lamang
OOSabaw o inumin lamang
OOAlmusal, tanghalian, o
hapunan lamang
OOIba pa
DAY 3
MGA PAGPIPILIAN
OOTubig lamang
OOSabaw o inumin lamang
OOAlmusal, tanghalian, o
hapunan lamang
OOIba pa
DAY 4
MGA PAGPIPILIAN
OOTubig lamang
OOSabaw o inumin lamang
OOAlmusal, tanghalian, o
hapunan lamang
OOIba pa
DAY 5
MGA PAGPIPILIAN
OOTubig lamang
OOSabaw o inumin lamang
OOAlmusal, tanghalian, o
hapunan lamang
OOIba pa
ORAS NG PANANALAGIN
Isulat kung anong oras at gaano
katagal mo planong manalangin.
Isang Praktikal na Gabay sa Pananalangin at Pag-aayuno
3
Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa . . .
MGA NASAGOT NA PANALANGIN NOONG 2016
Ilista ang mga magagandang nangyari, mga panalangin, at mga aral na natutunan mo
noong 2016. Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang katapatan, paglalaan, at biyaya sa
taong ito!
4
Knowing God
Naniniwala ako sa Diyos para sa ngayong 2017 . . .
AKING NAIS NA MAKAMTAN SA PANANAMPALATAYA
Espirituwal na Pagbabagong Buhay • Pisikal na Paggaling • Kaunlaran at Kasaganaan •
Masaganang Pagbibigay
AKING PAMILYA
Pagpapanumbalik ng mga Nasirang Relasyon • Kaligtasan ng Sambahayan
AKING PAARALAN / TRABAHO
Kahusayan • Pagtaas ng Posisyon
AKING PAGLILINGKOD
Paglago ng Victory Group • Kaligtasan ng mga Kaibigan, Kamag-aral,
Namumuno sa Trabaho, at Kasama sa Trabaho
AKING KASAMA SA PANANALANGIN
Isang Praktikal na Gabay sa Pananalangin at Pag-aayuno
5
P A G H A H A N D A P A R A S A P A G - A AY U N O
Ang Kasulatan at ang
Kapangyarihan ng Diyos
DAY
0
BASAHIN ANG MATEO 22:23-33
Sumagot si Jesus, “Maling-mali kayo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang
Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos.”
M AT E O 2 2 : 2 9
Sinubukan ng ilan sa mga Saduceo (ang mga pari ng Judaismo) na mabitag si Jesus
sa pamamagitan ng tanong tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay, na maging
sila ay hindi naniniwala. Inilarawan nila kay Jesus ang sitwasyon na batay sa isang
batas ng mga Judio, na nagsasabing dapat pakasalan ng isang lalaki ang asawa ng
namatay niyang kapatid na lalaki kung hindi ito nag-iwan ng anak. Ang anak ng
pagsasamang ito ay ituturing na anak ng namatay na kapatid na lalaki, para matiyak
na hindi mawawala ang kanyang angkan.
Ito ang itinanong ng Saduceo kay Jesus: kung ang biyuda ay ikinasal ng pitong
beses sa isang hanay ng mga magkakapatid, sino ang magiging asawa niya sa langit?
Ang isinagot ni Jesus ay mahalaga pa rin para sa atin sa kasalukuyan: “Maling-mali
kayo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos”
(Mateo 22:29). Sa madaling salita, ang inilarawan nilang sitwasyon ay nagpapakita
ng katotohanan na sila ay natangay ng maling paniniwala at nalinlang dahil hindi
nila naintindihan ang Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos.
Ang salitang “maling-mali” sa Mateo 22:29 ay may matinding kahulugan sa
orihinal nitong wika. Ang ibig sabihin nito ay “malinlang, mapamunuan ng may
kamalian, o kaya ay maligaw ng landas.” Sa kasawiang palad, nakikita ko pa rin ang
hindi mabilang na mga Kristiyanong may mabubuting hangarin, pero naliligaw ng
landas dahil hindi nila naintindihan ang Salita ng Diyos o kaya ay naranasan ang
Kanyang kapangyarihan.
Kahit na ang panlilinlang na ito ay bihirang sumasang-ayon sa turo ng Salita (na
tulad ng mga Saduceo), ang tanging pakay nito ay mapanira. Maaaring masira dahil
sa samaan ng loob ang ibang Kristiyano dahil hindi nila lubusang naiintindihan
ang implikasyon ng pagpapatawad na sinasabi sa Kasulatan. Marahil hindi nila
nauunawaan ng lubos ang kapangyarihan ng muling pagkabuhay ng Diyos kaya’t
patuloy silang namumuhay sa kadiliman ng kawalan ng pag-asa.
Nasaan ka man sa iyong pamumuhay ngayon, gusto kong magsimulang maglakbay
kasama mo, isang anim na araw na paglalakbay tungo sa malalim na pang-unawa
sa Kasulatan at sa kapangyarihan ng Diyos. Sa ating paglalakbay na magkasama,
ipakikilala ko ang ilang pagsasanay na ginawa upang mabigyan ka ng mga kasanayan
na kailangan mo para magkaroon ng malalim na pang-unawa sa Salita ng Diyos
at sa bagong pagdaloy ng Kanyang dakilang kapangyarihan. Hinihiling ko din sa
6
Knowing God
Banal na Espiritu na tulungan kang isapamuhay ang mga bago mong matututunang
kakayahan sa bahagi ng iyong buhay na hindi mo nakikitaan ng pagbabago. Sa huli,
magsama-sama tayo sa pananalangin kasama ang libu-libo nating mga kapatid sa
pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa mga partikular na mga kahilingan para sa
panalangin mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
ISAPAMUHAY
• Anong bahagi o paulit-ulit na nangyayari sa buhay mo ang hindi nagbabago?
Isulat ito. Hayaan ang Kasulatan at kapangyarihan ng Diyos na baguhin ang
bahaging ito sa susunod na limang araw.
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
• Gaano man kaganda ang pag-aayuno, nawawala ang pagiging epektibo nito kung
hindi tayo magdarasal. At kahit na malinaw sa Kasulatan na nais ng Diyos na
simulan natin ang bawat araw sa piling Niya, ang anumang oras ay mas mabuti
kaysa sa wala. Anong oras sa bawat araw mo nais magdasal? Gaano katagal mo
nais magdasal sa mga oras na ito?
_______________________________________________________________________________________________________________________
Tandaan: Hindi mo kailangang magbigay ng napakataas na layunin.
Maging praktikal at makatotohanan. Tingnan ang talaan sa pahina 3
upang makapagplano.
• Ano ang pangalan ng iyong pastor? Siya ba ay may asawa o walang asawa? Kung
siya ay may asawa, siya ba ay may anak? Isulat ang kanilang mga pangalan.
Maglaan ng oras upang ipanalangin ang pastor mo at ang kanyang pamilya.
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
• Ano ang espesyal na mga kahilingang ibinigay sa iyo mula sa iyong
kongregasyon o lokal na iglesya? Isulat ang mga kahilingang ito pagkabigay
nila sa iyo.
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
• Magbibigay tayo ng oras para ipanalangin ang anim na rehiyon ng Every Nation
sa buong mundo. Sa bawat araw, pumili ng isang rehiyon at hayaan ang Banal na
Espiritu na gabayan ka habang nananalangin.
Bukas, sama-sama tayong maglakbay tungo sa ilang nakalilitong bagay sa ating
bagong pagkatao. Titingnan natin ang ilan sa mga gawain na nakapaloob sa
paggamit ng bagong mga antas ng banal na buhay at kapangyarihan.
Ang Kasulatan at ang Kapangyarihan ng Diyos
7
Ang Balon ng Kaligtasan
DAY
1
Bago mo basahin ang sumusunod na Kasulatan, hingin sa Banal na Espiritu
na tulungan kang mapanghawakan kung ano ang sinasabi Niya sa iyo upang
maisapamuhay mo ito. Iminumungkahi ko rin na basahin mo nang dahan-dahan
at malakas ang mga sumusunod na pahayag. Buksan ang iyong journal at
maghandang isulat ang mga naiisip mo.
BASAHIN ANG ISAIAS 12:3-4 • J UA N 4 : 1 - 4 2
Sumagot si Jesus. “Ang lahat ng umiinom ng tubig na ito’y muling mauuhaw, 14pero
ang sinumang iinom ng tubig na ibibigay ko ay magiging tulad ng isang bukal sa loob
niya at magbibigay ng buhay na walang hanggan.”
13
J UA N 4 : 1 3 , 1 4
Si Jesus ay nasa isang makasaysayang lugar; ito ang balon kung saan pinainom ni
Jacob ang mga alagang hayop ng kanyang pamilya. Ito rin ay isang lupain na puno
ng kontrobersiya. Mayroong galit at hindi pagkakaunawaan na tumagal na ng
maraming siglo sa pagitan ng mga Samaritano at Judio. Alam ni Jesus na handang
tumanggap ang mga natatanging taong ito, di tulad ng Kanyang mga disipulo, na
dahil sa kanilang makitid na pag-iisip at galit ay walang kamalay-malay sa pag-ibig
ng Kanyang Ama sa mga Samaritano.
Bagama’t Siya ay pagod, pinili Niyang hindi na lamang kumain ng tanghalian kasama
ng Kanyang mga disipulo. Ang mahinahong gabay ng Kanyang Ama ang nagdulot ng
matinding kamalayang espirituwal upang magtungo si Jesus sa Samaria. Nandoon
Siya upang buksan ang balon sa isang lupain na tuyong-tuyo sa pang espirituwal,
isang lupain na nakalimutan na ng lahat maliban kay Jesus at ng Kanyang Ama. Ang
balong ito ay hindi ang sikat na balon ni Jacob; ang balong ito ay natabunan na ng
malalim na mga nadurog na bato ng isang nasirang buhay.
Ang pinili ni Jesus ay hindi inaasahang magiging bahagi ng balon ng kaligtasan para
sa isang bayan. Siya ay namumuhay kasama ang lalaking hindi niya asawa, matapos
niyang ikasal ng limang beses. Sa kanyang matinding kahihiyan kailangan niyang
pumunta sa balon sa kainitan ng araw upang hindi maitakwil ng ibang mga babae sa
bayan. Subalit, sila ay tila pinagtagpo ng pagkakataon, ang babae sa balon ay naging
babae na may balon.
Ang mga unang salita ni Jesus sa kanya ay tila hindi angkop para sa kanya: “Pwede
bang makiinom?” (Juan 4:7). Paano nagawang tanungin ni Jesus ang kawawa at
may magulong buhay na babae upang pagsilbihan Siya? Siguradong alam Niya
ang pang-aabuso na dinanas ng babae sa kamay ng mga tao at maging ang galit
8
Knowing God
na naramdaman nito sa Kanya dahil sa Siya ay isang lalaki at Judio. Subalit sa
katotohanan, ang kahilingan ni Jesus ay isang pangako, na bago matapos ang
araw na iyon, hindi lamang mapapawi ang uhaw ng babae, kundi siya mismo ay
makapagbibigay ng inumin sa iba.
Habang dahan-dahang inalis ng mga kataga ni Jesus ang depensa ng babae sa
kanyang sarili, pinangakuan siya ni Jesus ng tubig na nagbibigay buhay na papawi
ng pagkauhaw niya habang-buhay. Ang tugon ng babae sa berso 11 ay nagpapakita
ng labis niyang pagkauhaw, “Saan po kayo kukuha ng tubig na nagbibigay buhay?”
Ipinakita ng tugon ni Jesus ang isa sa mga mahahalagang aspeto ng pagtanggap
ng kapangyarihan at buhay mula sa Diyos: “Dahil ang tubig na ibibigay ko ay
magiging tulad ng isang bukal sa loob niya na magbibigay ng buhay na walang hanggan”
(Juan 4:14). Ang habang-buhay na bukal o balon na sinasabi rito ay isang talinghaga
para sa bagong pagkatao na natatanggap ng lahat ng mananampalataya kapag
sila ay nagtiwala kay Cristo. Sa oras ng iyong muling kapanganakan, ang iyong
espiritu ay muling nagiging isa kasama ang Espiritu ng Diyos. Sa pag-iisang ito,
ang buo mong pagkatao ay napasakop sa makapangyarihang pamumuno ng Banal
na Espiritu. Ang konsepto ng pagkakaroon ng bagong pagkatao ay makikita sa
buong Kasulatan:
Ang sinumang na kay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang
pagkatao; binago na siya.
2 C O R I N TO 5 : 1 7
Hindi na mahalaga kung tuli tayo o hindi. Ang tanging mahalaga ay kung binago na
tayo ng Diyos.
M G A TAG A- G A L AC I A 6 : 1 5
Itong bagong katauhan ang daan upang ang tubig na nagbibigay-buhay ng Diyos
ay dumaloy sa iyong buhay. Para maintindihan kung paano dumadaloy sa atin ang
tubig na nagbibigay-buhay, tingnan mo ang tubig na galing sa inyong gripo. Kung
walang tubig na galing sa gripo sa iyong tahanan (gaya ng babae sa kwento), ang
timba o anumang lalagyan na gagamitin mo sa pagkuha ng tubig ang sumisimbolo
sa tubig na nagbibigay buhay ng Diyos. Bagama’t maaari kang makakuha ng tubig
anumang oras, kailangan mong buksan ang gripo (o gumamit ng balde) upang
magamit ito.
Hindi naiiba dito ang ating espirituwal na buhay; wala tayong problema sa
pinagmumulan ng tubig. Ang problema natin ay ang paggamit dito. Hindi natin
binubuksan ang ating mga espirituwal na gripo. Sa konteksto ng Juan 4, ang tubig
na nagbibigay-buhay na sinasabi ni Jesus ay matatanggap sa pamamagitan ng
pag-inom. Ang pag-inom dito ay kasing kahulugan ng konsepto ng pagsamba sa
Diyos sa pamamagitan ng mga espirituwal na disiplina:
Sumagot ang babae, “Sa tingin ko po, isa po kayong propeta. 20Ang aming mga
ninuno ay sumamba sa Diyos sa bundok na ito, pero kayong mga Judio ay nagsasabi
na sa Jerusalem lang dapat sumamba ang mga tao.” 21Sinabi ni Jesus sa kanya,
19
Ang Balon ng Kaligtasan
9
“Maniwala ka sa akin; darating ang panahon na hindi na kayo sasamba sa Ama sa
bundok na ito o sa Jerusalem. 22Kayo na mga Samaritano ay hindi nakakakilala sa
sinasamba ninyo. Ngunit kilala naming mga Judio ang aming sinasamba, dahil sa
pamamagitan namin ay ililigtas ng Diyos ang mga tao. 23Tandaan mo, darating ang
panahon, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama
sa espiritu at katotohanan. Ganito ang uri ng mga sumasamba na hinahanap ng
Ama. 24Ang Diyos ay espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat sumamba sa
pamamagitan ng espiritu at katotohanan.”
J UA N 4 : 1 9 – 2 4
Anumang espirituwal na disiplina ang gamitin natin upang sambahin ang Diyos
(pagbabasa ng Salita, pag-awit, o paghihintay sa sasabihin o presensya ng Diyos,
at iba pa), ang ating espirituwal na gripo ay bumubukas at tayo ay nakakainom ng
tubig na nagbibigay buhay mula sa Diyos. Habang tumatagal ang pananatili natin sa
presensya ng Diyos, mas lalo tayong nabababad sa Kanyang buhay, kapangyarihan,
presensya, at ligaya. Pero ang espirituwal na tubig ay hindi dapat manatili sa atin.
Gaya ng babae sa balon, kung iinom tayo, ang daloy ng buhay ng Diyos ay maaaring
magbunga ng pag-apaw ng kapangyarihan ng Diyos tungo sa mundo sa ating
paligid. Sa katunayan, ang dahilan ng pag-inom mula sa balon ng kaligtasan (gaya ng
nabasa natin sa Isaias 112:3-4) ay ang pagbabago ng mga bayan sa pamamagitan ng
paghahayag ng Kanyang pangalan.
Maraming Samaritano sa bayang iyon ang sumampalataya kay Jesus dahil sa
sinabi ng babae na alam ni Jesus ang lahat ng ginawa niya. 40Kaya pagdating ng
mga Samaritano kay Jesus, hiniling nila na manatili muna siya roon sa kanila. At
nanatili nga siya sa kanila ng dalawang araw. 41Dahil sa pangangaral niya, marami
pa sa kanila ang sumampalataya. 42Sinabi ng mga tao sa babae, “Sumampalataya
kami ngayon hindi lang dahil sa sinabi mo sa amin ang tungkol sa kanya, kundi
dahil sa narinig namin mismo sa kanya. At alam naming siya nga ang Tagapagligtas
ng mundo.”
39
J UA N 4 : 3 9 – 4 2
ISAPAMUHAY
Oras na upang uminom mula sa balon ng kaligtasan. Tandaan, nang ikaw ay maging
isang mananampalataya, ang iyong makamundong espiritu ay naging isa kasama ng
Banal na Espiritu, na nagdulot ng bago mong pagkatao. Ngayon, sa tuwing gagawin
mo ang isa sa mga espirituwal na disiplina, ang tubig ng buhay na sinasabi sa
Pahayag 22:1-2 ay natural na dadaloy sa iyo.
Ipinakita rin sa akin ng anghel ang ilog na nagbibigay-buhay. Ang tubig nito
ay kasing linaw ng kristal at dumadaloy mula sa trono ng Diyos at ng Tupa, 2at
umaagos sa gitna ng pangunahing lansangan ng bayan. Sa magkabilang tabi ng
ilog ay may punong-kahoy na nagbibigay-buhay. Namumunga ito ng 12 beses sa
1
10
Knowing God
isang taon, isang beses sa bawat buwan. At ang mga dahon nito ay ginagamit sa
pagpapagaling ng mga bansa.
PA H AYAG 2 2 : 1 - 2
Pumili ng kahit ano sa Kasulatan. Maaari kang pumili tungkol sa kasalukuyan mong
pangangailangan, isang bagay na ipinahiwatig ng Banal na Espiritu, mga mensahe
na narinig mo kamakailan lamang, o kahit anong nabasa mo sa Bibliya. Para sa ating
layunin ngayon, gamitin natin ang Juan 4:23-24:
”Tandaan mo, darating ang panahon, at narito na nga, na ang mga tunay na
sumasamba ay sasamba sa Ama sa espiritu at katotohanan. Ganito ang uri ng mga
sumasamba na hinahanap ng Ama. 24Ang Diyos ay espiritu, kaya ang sumasamba
sa kanya ay dapat sumamba sa pamamagitan ng espiritu at katotohanan.”
23
J UA N 4 : 2 3 - 2 4
Basahin nang malakas at ilang beses ang mga bersong ito mula sa Kasulatan.
Kung ikaw ay nasa pambublikong lugar, maaari kang bumulong. Hayaan na ang
pagsasalita mo ay maging isang panalangin. Ipanalangin ang mga bersong ito.
Habang ikaw ay nagdarasal, itaas ang iyong mga kamay. Simulang sambahin at
pasalamatan ang Diyos sa iyong sariling wika at maging sa kaloob na ibang wika
(kung natanggap mo na ang kaloob na ito). Habang ikaw ay tahimik na naghihintay,
hayaang dumaloy ang tubig na nagbibigay buhay patungo sa iyong kaluluwa.
Pagkatapos ay banggitin ang mga kabigatan na kasalukuyan mong dinadala.
MANALANGIN
• Ipanalangin ang iyong pastor at ang kanyang pamilya.
• Ipanalangin ang iyong iglesya.
• Ipanalangin ang isa sa anim na rehiyon ng Every Nation na nakasulat sa
pahina 28.
• Hingin sa Banal na Espiritu ang pagbabago, sa tinukoy mo kahapon na bahagi ng
iyong buhay, kung saan nahihirapan kang magbago.
• Itala ang mga mahahalagang kaisipan, bahagi ng Kasulatan, o pagpapahayag mula
sa Banal na Espiritu.
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
Bukas, sasaliksikin natin ang kapangyarihan ng Kasulatan na baguhin ang
iyong buhay.
Ang Balon ng Kaligtasan
11
Ang Talim ng Espiritu
DAY
2
BASAHIN ANG PA H AYAG 1 : 1 6 • M G A H E B R E O 4 : 1 2 – 1 3
May hawak siyang pitong bituin sa kanang kamay niya, at lumalabas sa bibig niya
ang isang matalas na espada na dalawa ang talim. Ang mukha niya ay nakakasilaw
tulad ng araw sa katanghaliang tapat.
PA H AYAG 1 : 1 6
Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa
alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwa’t
espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang
pinakamalalim na naiisip at hinahangad ng tao.
HEBREO 4:12
Sa Pahayag 1:16, si Jesus ay ipinakita kay Juan (sa isang isla sa Patmos) at may
espada na magkabilaan ang talim na lumalabas sa Kanyang bibig. Alam natin
dahil sa Mga Hebreo 4:12 na itong matalim na espadang ito ay isang simbolo sa
Salita ng Diyos. Sa konteksto ng Mga Hebreo 4:12, ang magkabilaang talim ay
nagpapakita ng kakayahang tumagos at ng talas ng espada. Nakita ko rin kung
paano makatutulong ang ganitong pananaw: ang isang talim ng espada ay para
sa aking pagkatao, at ang kabilang talim ay para sa esprituwal kong kalaban. Sa
debosyonal na ito, kailangan nating tutukan ang talim ng espada na para sa ating
pagkatao, at gamitin ang Kasulatan bilang isang talim na ginagamit ng mga doktor
sa kanilang pag-oopera.
Sa Mga Hebreo 4:12-13, ang Salita ng Diyos ay inilarawan na buhay at mabisa,
at labis na matalas. Sa sobrang talas, kaya nitong tumagos hanggang sa
kailaliman ng ating pagkatao. Ang Salita ng Diyos ay parehong matalim at walang
pag-aalinlangan: matalim dahil napaghihiwalay nito ang maliliit na kaibahan sa
pagitan ng ating kaluluwa at espiritu, at walang pag-aalinlangan dahil walang
kasalanan o pandaraya ang makaliligtas sa matalim nitong kakayahan.
Maraming beses na ginamit ng Banal na Espiritu ang Kasulatan bilang isang matalas
na pang-opera sa buhay ko, upang ipakita at ayusin ang mga makasalanan kong
gawain. Patuloy ang Salita ng Diyos sa pagtagos sa anumang tumatakip sa mga
makasalanang gawain na ito, mula sa pagiging labis na makasarili hanggang sa
konting pagmamataas. Ang makapangyarihang Salita ang tumupok sa mga panahon
ng panlulumo at pagtuligsa na siya ring magliligtas sa akin sa kawalan ng pag-asa.
Ang naging makatotohanan para sa akin ay maaari ring maging makatotohanan
para sa iyo! Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at ng mga mamamayan ng Diyos,
12
Knowing God
ang Kasulatan ay kayang maghayag, magpagaling, at magsa-ayos ng anumang
bagay na ating kinakaharap. Ang kailangan mo lang gawin ay patuloy itong gamitin
sa buhay mo. Sa pamamagitan ng pagbabasa (1 Timoteo 4:13), paghahayag
(Mateo 17:20), pakikinig (Mga Taga-Roma 10:17), at pagsasa-isip (Josue 1:8), ang
kapangyarihan ng Kasulatan ay magiging malaya sa iyong buhay.
Gayong wala tayong mahabang panahon upang pag-usapan ang lahat ng
kaparaanan ng Salita ng Diyos sa ating buhay, magkaroon tayo ng ilang sandali na
magsanay sa pagninilay ayon sa Salita ng Diyos. Ang salitang “kumain” sa Juan 6:57
ay isang napakagandang paglalarawan sa pag-iisip tungkol sa Salita ng Diyos.
Kinakain natin (nginangatngat, kinakagat, at nginunguya) natin ang kapangyarihan
at buhay ng katauhan ni Cristo habang tinatanggap natin ang Kanyang Buhay
na Salita.
“Ang Diyos Amang nagsugo sa akin ang pinagmumulan ng buhay, at dahil sa
kanya ay nabubuhay ako. Ganoon din naman, ang sinumang kumain sa akin ay
mabubuhay dahil sa akin.”
J UA N 6 : 5 7
Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga
salitang sinabi ko sa inyo ay mula sa Espiritu at nakakapagbigay-buhay.
J UA N 6 : 6 3
ISAPAMUHAY
Ang pagsasanay na napili ko para sa pagninilay tungkol sa Salita ay parehong
naaayon sa Salita ng Diyos at sa tamang kaisipan. Ito ay ginawa upang makuha
ang pansin ng iyong espiritu at ang kanang bahagi ng iyong utak. Karamihan ng
emosyonal mong karanasan tungkol sa Diyos ay ginagabayan ng pagkilos sa kanang
bahagi ng iyong utak.
PAGNINILAY SA KASULATAN NA ISINASAALANG-ALANG ANG UTAK
D R . E D WA R D B . DAV I S AT J I M L A F F O O N
Ang sumusunod na pagsasanay ay may potensyal na magdala ng pagbabago
sa paraan ng pakikipag-usap sa iyo ng Banal na Espiritu. Ito ay ginawa
upang tulungang huminahon ang sigla ng iyong utak upang magawa mong
marinig ng mas malinaw ang anumang sinasabi ng Panginoon sa puso mo.
Maglaan ng hindi kukulang sa 20 minuto para dito.
• Humanap ng tahimik na lugar kung saan walang makakaistorbo sa iyo.
Patayin ang iyong telepono at lahat ng uri ng social media.
Ang Talim ng Espiritu
13
• Patahimikin ang iyong isipan; maaaring mahirap itong gawin. Kung wala
ka pang maisip na nakasulat sa Kasulatan, huminga ng malalim ng ilang
beses at hilingin sa Banal na Espiritu na ituro sa iyo ang bahagi na gusto
Niyang sabihin sa iyo. Maaari ka ring pumili ng bahagi sa Kasulatan na
tungkol sa isang pangangailangang kinakaharap mo sa kasalukuyan.
(Para sa layunin ng pagsasanay na ito, gagamitin natin ang Isaias 61:1-7.)
Ang Espiritu ng Panginoong Diyos ay nasa akin. Sapagkat hinirang niya ako
na mangaral ng magandang balita sa mga mahihirap. Sinugo niya ako para
aliwin ang mga sugatang-puso, at para ibalita sa mga bihag at mga bilanggo
na sila’y malaya na . . . 3Sinugo rin niya ako para aliwin ang mga nalulungkot
sa Zion, nang sa ganoon, sa halip na maglagay sila ng abo sa kanilang ulo
bilang tanda ng pagdadalamhati, maglalagay sila ng langis o ng koronang
bulaklak sa kanilang ulo bilang tanda ng kaligayan. Sila’y magiging parang
matibay na puno na itinanim ng Panginoon. Kikilalanin silang mga taong
matuwid sa ikakaluwalhati ng Panginoon. 4Muli nilang itatayo ang kanilang
mga bayan na matagal nang nagiba . . . 7Sa halip na kahihiyan, dodoble ang
matatanggap niyong pagpapala sa inyong lupain at talagang masisiyahan
kayo sa matatanggap ninyo. Magiging maligaya kayo magpakailanman.
1
ISAIAS 61:1-7
• Habang pumipili ka ng berso o mga berso sa bahaging ito, hingin sa
Panginoon na ibigay ang Kanyang kapangyarihang nagdudulot ng
pagbabago sa bahagi ng buhay mo na nais mong mabago.
• Malakas at dahan-dahang basahin ang Kasulatan ng ilang beses.
Basahin ulit ito ng dahan-dahan, at may emosyon, tamang intonasyon,
ritmo, at diin.
• Susunod, isulat ang Kasulatan gamit ang kamay na hindi mo
karaniwang ginagamit sa pagsusulat at gumamit ng iba’t-ibang kulay
ng panulat o krayola.
• Pagkatapos, gumuhit ng larawan sa ilalim nito, na nagpapakita kung
ano ang sinasabi sa iyo ng Banal na Espiritu.
• Maglaan ng 10 minuto ng pagsusulat sa iyong journal habang
ipinagdarasal kung ano ang sinasabi sa iyo ng Banal na Espiritu.
• Ibahagi ang karanasang ito sa isang Kristiyanong kapamilya, kaibigan,
o pinuno.
PAGPAPALIWANAG NG PAGSASANAY
Karamihan ng ating emosyonal na karanasan tungkol sa Diyos ay ginagabayan
ng pagkilos sa kanang bahagi ng ating utak, na konektado sa ating katawan sa
pamamagitan ng mga neurons. “Neurons that fire together wire together” (Hebb
1949). Dahil dito, upang mabago kung paano natin nararanasan ang Diyos sa
pisikal at emosyonal na antas, kailangang gawin ang prosesong tinatawag na
SNAG o Stimulate Neural Activity Growth (Siegel 2007) sa kanang bahagi ng ating
14
Knowing God
utak at sa ating katawan. Ang pakikibahagi sa Kasulatan sa isang intelektuwal na
pamamaraan ay gumagamit lamang ng kaliwang bahagi ng ating utak (na sentro
ng mga prosesong lohikal, diretso, at pang-wika). Nagdadala ito ng pagbabago
sa ating kaalaman tungkol sa Diyos. Subalit ang pakikibahagi sa Kasulatan sa
paraan na pinakita sa pagsasanay ay maaaring makapagdulot ng mas malalim na
pagbabago sa ating pisikal at emosyonal na karanasan sa Diyos. Ang pagsasanay
na ito ay ginawa upang sadyang magamit ang SNAG sa kanang bahagi ng utak,
alisin tayo sa paggamit ng “autopilot,” at ilagay tayo sa posisyon para mas marinig
ng ating puso ang pagbabagong dala ng nagbibigay-buhay na Salita mula sa Banal
na Espiritu.
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
MANALANGIN
Oras na para ituon ang panalangin mo sa iyong pastor, lokal na iglesya, at sa mga
pangangailangan sa ating mundo.
• Ipanalangin ang iyong pastor at ang kanyang pamilya.
• Ipanalangin ang iyong iglesya.
• Ipanalangin ang isa sa anim na rehiyon ng Every Nation na nakasulat sa
pahina 28.
Bukas, habang sama-sama nating pagdaraanan ang ikatlong araw ng pag-aayuno,
susuriin natin ang kapangyarihan ng pananalangin sa pamamagitan ng Espiritu.
MGA SANGGUNIAN
Hebb, D. O. The Organization of Behavior; a Neuropsychological Theory. New York:
Wiley, 1949. N. pag. Print.
Siegel, Daniel J. The Mindful Brain: Reflection and Attunement in the Cultivation of
Well-Being. New York: W.W. Norton, 2007. Print.
Ang Talim ng Espiritu
15
Pananalangin sa Tulong
ng Espiritu
DAY
3
BASAHIN ANG J U DA S 2 0 - 2 1 • 1 C O R I N TO 1 4 : 2 – 1 6
Ngunit mga minamahal, magpakatatag kayo sa inyong banal na
pananampalataya. Lagi kayong manalangin sa tulong ng Banal na Espiritu.
21
Manatili kayo sa pag-ibig ng Diyos, habang hinihintay ninyo ang buhay na walang
hanggan na ibibigay ng ating Panginoong Jesu-Cristo dahil sa awa niya sa atin.
20
J U DA S 2 0 - 2 1
Sa Judas 20, tayo ay inutusan na manalangin sa tulong ng Espiritu. Ang
pananalangin sa tulong ng Espiritu ay nangangahulugan ng pananalangin sa ilalim
ng inspirasyon at pamumuno ng Banal na Espiritu. Isa sa mga pangunahing paraan
kung paano ito ginagawa ay sa pamamagitan ng pagsasalita sa wikang hindi
naman natutunan.
Ang taong nagsasalita sa ibang wika na hindi niya natutunan ay nakikipag-usap
hindi sa tao kundi sa Diyos, dahil wala namang nakakaunawa sa kanya. Nagsasalita
siya ng mga hiwaga sa tulong ng Banal na Espiritu . . . 4Ang nagsasalita sa ibang wika
na hindi niya natutunan ay pinatitibay ang kanyang sarili, ngunit ang nagpapahayag
ng mensahe ng Diyos ay nagpapatibay sa iglesya.
2
1 C O R I N TO 1 4 : 2 , 4
Kung nananalangin ako sa ibang wika na hindi ko natutunan, nananalangin
nga ang aking espiritu, ngunit hindi naman naiintindihan ng aking isipan. 15Kung
ganoon, ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako at aawit sa pamamagitan
ng aking espiritu kahit hindi ko ito naiintindihan, at mananalangin din ako at
aawit sa paraang naiintindihan ng aking isipan. 16Kung magpapasalamat ka
sa Diyos sa pamamagitan ng iyong espiritu lamang, at hindi ito maiintindihan,
paanong makakasagot ng “Amen” ang iba kung hindi naman nila naiintindihan ang
iyong sinasabi?
14
1 C O R I N TO 1 4 : 1 4 – 1 6
Ang pagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan ay ang kakaibang kakayahan na
makapagsalita sa wika ng mga tao o ng mga anghel (tingnan ang 1 Corinto 13:1).
Ang handog na ito ay napakahalaga para kay Pablo na nung pinagsasabihan niya
ang iglesya sa Corinto tungkol sa pagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan sa
pampublikong pagsamba, sinabi niya sa kanila, “Nagpapasalamat ako sa Diyos na
nakapagsasalita ako sa iba’t-ibang wika na hindi natutunan nang higit pa sa inyong
lahat” (1 Corinto 14:18). Sa nauna niyang sulat para sa mga taga-Corinto, sinabi ni
Pablo sa kanila na, “Gusto ko sanang kayong lahat ay makapagsalita sa ibang wika na
16
Knowing God
hindi natutunan,” (1 Corinto 14:5). Bakit napakahalaga ng pagsasalita sa ibang wika
na hindi natutunan?
Kahit na may ilang mga dahilan kung bakit mahalaga ang pasasalita sa ibang wika
na hindi natutunan, magbibigay ako ng komentaryo tungkol sa ilan sa mga ito
lamang. Una, sa 1 Corinto 14:14, sinabi ni Pablo, “Kung nananalangin ako sa ibang
wika na hindi ko natutunan, nananalangin nga ang aking espiritu, ngunit hindi naman
naiintindihan ng aking isipan.” Sa ikalawang berso ng parehong kabanata, sinabi
ni Pablo na kung ang mga tao ay nananalangin sa ibang wika na hindi natutunan,
nagsasalita sila ng mga hiwaga sa tulong ng Banal na Espiritu. Sa madaling salita, sa
tuwing nananalangin tayo sa ibang wika na hindi natutunan, ang Banal na Espiritu
ay nananalangin sa pamamagitan ng ating espiritu ng mga panalangin na hindi
naiintindihan ng ating mga isipan. Sinasabi sa Judas 20, na kapag nananalangin tayo
sa ganitong paraan, nagiging matatag ang ating pananampalataya.
Paano napatatatag ng pananalangin sa iba’t-ibang wika na hindi natutunan
ang ating pananampalataya? Una, binibigyan natin ng pagsasanay ang ating
pananampalataya sa tuwing tayo ay nananalangin sa wika na hindi natin
naiintindihan. Ikalawa, (at ang pinakamahalaga sa lahat), ang pananalangin sa ibang
wika na hindi natutunan ay nagbibigay sa atin ng kakayahan na makipag-usap sa
Diyos, kahit pa wala tayong kaalaman kung paano manalangin at kung ano ang
mga sasabihin. Sa Mga Taga-Roma 8:26-27, natuklasan natin ang kapangyarihan
ng Banal na Espiritu na manalangin sa pamamagitan natin, ano man ang ating
mga kinakaharap.
Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung
ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa
Diyos para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin.
27
At ang anumang nais sabihin ng Banal na Espiritu ay alam ng Diyos na siyang
sumisiyasat sa puso ng mga tao. Sapagkat namamagitan ang Banal na Espiritu para
sa mga mananampalataya, kung ano ang ayon sa kalooban ng Diyos.
26
M G A TAG A- RO M A 8 : 2 6 - 2 7
Ilang mga dalubhasa ang naniniwala na ang katagang ang Espiritu na rin ang
namamagitan sa Diyos para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang
sabihin ay kapareho ng uri ng pananalangin na inilarawan sa 1 Corinto 14:2: Ang
taong nagsasalita sa ibang wika na hindi niya natutunan ay . . . nagsasalita ng mga
hiwaga sa tulong ng Banal na Espiritu. At saka, sabi sa berso 14: Kung nananalangin
ako sa ibang wika na hindi ko natutunan, nananalangin nga ang aking espiritu, ngunit
hindi naman naiintindihan ng aking isipan.” Ang salitang Griyego para sa “hindi natin
kayang sabihin” ay maaaring bigyang-kahulugan bilang katahimikan o kaya ay hindi
kayang ipahayag. Sa opinyon ko, kung ang ikalawang pakahulugan na hindi kayang
ipahayag ay tatanggapin, ang pahayag na ito ay maaaring sumisimbolo ng tao na
hindi mahanap ang tamang salita upang mailarawan ang kanyang nararamdaman
o kinakaharap. Kung ito ay tama, ang pahayag na ito ay maaaring tumukoy sa
pagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan.
Pananalangin sa Tulong ng Espiritu
17
Kahit pa ang mga salitang daing na hindi kayang sabihin sa bersong ito ay hindi
tumutukoy sa pagsasalita sa ibang wika na hindi natutunan, ang talatang ito ay
nagpapaliwanag kung paano napalalakas ng panalangin sa tulong ng Banal na
Espiritu ang ating pananampalataya. Bilang Diyos, ganap na naiintindihan ng Banal
na Espiritu ang ating mga kagustuhan at ang kagustuhan ng Diyos para sa atin. Ito
ang nagbibigay sa Kanya ng kakayahan na ganap na maipahayag ang ating mga
pangangailangan, kahit pa hindi natin maintindihan ang ating mga sarili.
Ito ang dahilan kung bakit ang pananalangin sa ibang wika na hindi natutunan
ay kayang gumawa ng malalim na koneksyon sa Diyos, kapayapaan, at
pananampalataya. Katulad ng nalaman ni Apostol Pablo, ang pananalangin sa ibang
wika ay labis na makatutulong. Kung hindi natin mahanap ang tamang mga salita
upang masabi ang ating matinding paghihirap at mga pasanin ng ating mga puso’t
kaluluwa, mahahanap natin ang kaginhawaan sa pamamagitan ng pagsasalita
sa ibang wika na hindi natutunan. Sa paglagpas ng Banal na Espiritu sa ating
kalituhan at kalungkutan, tayo ay muling napupuno ng kapayapaan, kaligayahan,
at pananampalataya.
ISAPAMUHAY
Nagawa mo na bang magsalita sa ibang wika? Alam natin mula sa Mga Gawa 10:45
na ang pagsasalita sa ibang wika ay isang tanda ng bautismo ng Banal na Espiritu.
Ang bautismo ng Banal na Espiritu ay isang paglubog sa kapangyarihan ng Banal na
Espiritu na karaniwan ay hiwalay at kasunod ng ating pananampalataya kay Cristo.
Maaaring hindi ka pa nababautismuhan ng Banal na Espiritu. Kahit na karaniwan
itong natatanggap sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay at pananalangin ng
ibang mananampalataya, may mga pagkakataon na basta na lamang ibinubuhos ng
Diyos ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu habang ang mga tao ay nananalangin.
Kung hindi mo pa nagawang magsalita sa ibang wika, hingin sa Diyos na
bautismuhan ka ng Banal na Espiritu. Kung hindi mo ito matanggap, sabihin sa isa sa
mga pinuno ng iglesya na gusto mong mabautismuhan ng Banal na Espiritu.
MANALANGIN
• Itaas ang iyong mga kamay at simulang manalangin sa ibang wika na hindi
natutunan sa loob ng dalawang minuto. (Kahit ang dalawang minuto ay tila
walang hanggan kung matagal-tagal ka nang hindi nakakapagsalita sa ibang
wika na hindi natutunan.)
• Pagtuunan ng pansin ang tatlong bagay habang ikaw ay nananalangin sa
ibang wika na hindi natutunan. Una, bigkasin (sa sarili mong wika) ang
bahagi ng buhay mo na hindi nakararanas ng pagbabago. Matapos mo itong
gawin, ipanalangin ito gamit ang ibang wika na hindi natutunan sa loob ng
siyamnapung segundo. Pangalawa, pumili ng isang bahagi o sitwasyon sa buhay
mo na nahihirapan kang ipagdasal. Ipanalangin din ito gamit ang ibang wika sa
loob ng siyamnapung segundo. Maaaring makatulong sa iyo ang pagpapagana
18
Knowing God
ng iyong imahinasyon tungkol sa tao o sitwasyon na ito habang ikaw ay
nagdarasal. Pangatlo, ipanalangin ang iyong pastor at ang kanyang pamilya sa
loob ng siyamnapung segundo gamit ang ibang wika na hindi natutunan.
• Manalangin sa loob ng dalawang minuto para sa iyong lokal na iglesya at sa
rehiyon ng Every Nation na pinili mo para sa araw na ito (pahina 28). Matapos
manalangin, maglaan ng isang minuto at tahimik na sambahin ang Diyos
gamit ang ibang wika na hindi natutunan habang pinasasalamatan mo Siya sa
pakikipagkita sa iyo. Subukang itaas muli ang iyong kamay habang hinahayaan
mo ang Kanyang kapayapaan at kaligayahan na dumaloy sa iyong kaluluwa.
Bukas, ating sisiyasatin ang isa sa mga pinakamahalagang sandata sa
pakikibakang espirituwal, ang espada ng Espiritu.
Pananalangin sa Tulong ng Espiritu
19
Ang Espada ng Espiritu
DAY
4
BASAHIN ANG M G A TAG A- E F E S O 6 : 1 7 • M AT E O 4 : 3 – 1 0
Isuot ninyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin ninyo bilang
espada ang Salita ng Diyos na kaloob ng Banal na Espiritu.
M G A TAG A- E F E S O 6 : 1 7
Sa ikalawang araw ng ating pag-aayuno, natutunan natin kung paano ginagamit
ng Banal na Espiritu ang Kasulatan bilang isang talim sa ating mga buhay. Ngayon,
gusto kong ilarawan ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos upang humiwa na parang
espada at tumagos sa panlilinlang at panunukso ng mga kampon ng diyablo. Sa
Mga Taga-Efeso 6:10-18, ibinigay ni Pablo sa atin ang pinakamalawak na pagtalakay
sa pakikipaglabang espirituwal.
Sa dalawa niyang naunang pagbisita sa Roma, habang hinihintay ang paglilitis ni
Nero, ikinulong siya sa pagitan ng dalawang guwardiyang Praetoriyano sa loob ng
dalawang taon. Malamang ay binantayan siya ng daan-daang natatanging sundalo
ng Roma sa buong panahon ng kanyang pagkakabilanggo. Habang sumusulat siya
para sa iglesya sa Efesus, nagsimula niyang makita ang kanyang mga guwardiya sa
ibang paraan. Dala ng biglaang inspirasyon ng Banal na Espiritu, naintindihan ni
Pablo na ang mga taktika, sandata, at kasuotang pandigma ng mga humuli sa kanya
ay isang makapangyarihang talinghaga para sa pakikipaglabang espirituwal.
Habang tumitingin sa mga espada (gladius) na bitbit ng isa sa kanyang mga bantay,
sinulat ni Pablo ang mga sumusunod: Isuot ninyo bilang helmet ang tinanggap ninyong
kaligtasan, at gamitin ninyo bilang espada ang Salita ng Diyos na kaloob ng Banal na
Espiritu. (Mga Taga-Efeso 6:17). Ang maliit na espadang ito ng mga Romano ay may
haba na dalawampu’t-limang pulgada hanggang tatlumpu’t-isang pulgada. Ito ay
ginawa bilang isang sandatang panaksak. Ang “Salita” sa bersong ito ay rhema, at
hindi logos. Ang salitang rhema ay nagbibigay diin sa sinasabi o inihahayag ng Salita
ng Diyos. Sa madaling salita, nais ibigay sa iyo ng Diyos ang Kasulatan na hinirang
ng Espiritu upang tumagos sa patong-patong na pagkilos at panlilinlang ng kaaway.
Ginamit ni Jesus ang espada ng Espiritu nang paulit-ulit habang nakikipaglaban kay
Satanas sa disyerto.
Dumating ang Manunukso at sinabi sa kanya, “Kung ikaw nga ang anak ng Diyos,
gawin mong tinapay ang mga batong ito.” 4Pero sumagot si Jesus, “Sinasabi sa
Kasulatan, ‘Hindi lang sa pagkain nabubuhay ang tao kundi sa bawat salita ng
Diyos.’” 5Pagkatapos, dinala naman siya ng diyablo sa Jerusalem, ang banal na
lungsod, doon sa pinakamataas na bahagi ng templo. 6Sinabi niya kay Jesus, “Kung
ikaw nga ang anak ng Diyos, magpatihulog ka. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan,
3
20
Knowing God
‘Uutusan ng Diyos ang kanyang mga anghel na ingatan ka, at alalayan upang
hindi masaktan ang iyong mga paa sa bato.’” 7Sinagot siya ni Jesus, “Sinasabi sa
Kasulatan, ‘Huwag mong subukin ang Panginoon mong Diyos.’” 8Pagkatapos, dinala
pa siya ng diyablo sa isang napakataas na bundok, at ipinakita sa kanya ang lahat
ng kaharian sa mundo at ang kayamanan at kadakilaan ng mga ito. 9At sinabi
ng diyablo kay Jesus, “Ang lahat ng iyan ay ibibigay ko sa iyo, kung luluhod ka at
sasamba sa akin.” 10Pero sinagot siya ni Jesus, “Lumayas ka, Satanas! Sapagkat
sinasabi sa Kasulatan, ‘Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos at siya lang ang
dapat mong paglingkuran.’”
M AT E O 4 : 3 – 1 0
Bago gawin ang mga praktikal na mga pagsasanay gamit ang espada ng Espiritu,
kailangan mo munang matutunan ang ilan sa mga palatandaan ng pakikipaglabang
espirituwal. Paano mo malalaman kung ang oposisyon na kinakaharap mo ay hindi
na natural, kundi gawa ng diyablo? Ang pag-atake ng diyablo ay makikilala sa tindi,
kapal, o kaya’y lawak nito.
Tindi—Kung ang kinakaharap mo ay labis na mas matindi o mas malaki sa
karaniwan, maaari itong tanda ng pakikipaglabang espirituwal. Minsan, ang
pakikipaglabang espirituwal ay maaaring dumating sa anyo ng isang malakas na
alon. Halimbawa, biglaan ka na lang nadala sa alon ng depresyon, at labis-labis ang
laki nito kung ikukumpara sa anumang pinagdaraanan mo sa kasalukuyan.
Kapal—Ang hindi pangkaraniwang kapal ay maaari ring tanda ng pakikipaglabang
espirituwal; maaaring may makapal na ulap na kumakapit sa iyong kaluluwa at
gumagawa ng harang sa pagitan mo at ng Diyos, o kaya ay harang sa pagitan mo at
ng ibang tao na hindi maunawaan.
Lawak—Ang pakikipaglabang espirituwal din ay labis na nagpapalaki ng ating
hinanakit at mga problema at nagpapaliit ng mga pangako at kapangyarihan
ng Diyos.
ISAPAMUHAY
Sa tuwing ikaw ay humaharap sa mga palatandaang ito, hingin sa Banal na Espiritu
ang kakayahang umintindi. Kung nararamdaman mo na ang kinakaharap mo ay nasa
larangang espirituwal, iyon ang tamang oras para hugutin ang espada ng Espiritu.
Maaari itong gawin sa ilang paraan.
Una, hilingin sa Banal na Espiritu na ipaalala sa iyo ang Kasulatan na gusto
Niyang gamitin mo. Pangalawa, maaari kang maghanap ng Kasulatan na angkop
sa problemang kinakaharap mo. Ang YouVersion (youversion.com) at Bible
Gateway (biblegateway.com) ay may malawak na talaan na makukuha sa Internet.
Ang Bible Gateway ay magandang search engine na nagpapakita ng iba’t-ibang
bersyon ng Bibliya. Kapag mayroon ka nang nakuhang bahagi o mga bahagi ng
Kasulatan, gamitin ang mga ito bilang espada laban sa anumang kinakaharap mo
Ang Espada ng Espiritu
21
sa pamamagitan ng buong tapang na pagdeklara ng mga ito. Tandaan, habang lalo
mong idinedeklara ang Kasulatan, lalo ring lalakas ang iyong pananampalataya.
• Anong uri ng pakikipaglabang espirituwal ang kinakaharap mo?
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
• Anong bahagi o mga bahagi ng Kasulatan ang gagamitin mo?
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
• Magsimulang sumamba at manalangin sa ibang wika na hindi natutunan sa loob
ng dalawang minuto.
• Habang lumalago ka sa iyong pananampalataya, simulang ipanalangin ang
Kasulatan na ibinigay sa iyo ng Banal na Espiritu. Ipanalangin ito sa loob din ng
dalawang minuto.
• Gamitin ang Kasulatan bilang espada laban sa bahagi ng buhay mo na
ayaw magbago sa pamamagitan ng pagdedeklara nito sa karagdagang
dalawang minuto.
• Kung magpapatuloy ang pakikipaglaban, maaari mong gamitin ang paulitulit na paraang ito ng ilang beses (o maaari mong baguhin ang ibang bahagi),
hangga’t kinakailangan.
MANALANGIN
Kapag nakumpleto mo na ang umuulit na proseso, simulang ituon ang panalangin
mo sa iyong pastor, lokal na iglesya, at sa mga pangangailangan sa ating mundo.
• Ipanalangin ang iyong pastor at ang kanyang pamilya.
• Ipanalangin ang iyong iglesya.
• Ipanalangin ang isa sa anim na rehiyon ng Every Nation na nakasulat sa
pahina 28.
Bukas, pagtutuunan naman natin ng pansin ang pakikinig sa tinig ng Diyos.
22
Knowing God
Pakikinig sa Tinig ng Diyos
DAY
5
BASAHIN ANG J UA N 1 0 : 4 – 5 • J UA N 1 0 : 2 7
Kapag nailabas na niya ang mga tupa, nauuna siya sa kanila at sumusunod naman
ang mga tupa dahil kilala nila ang boses niya. 5Ngunit hindi nila susundin ang iba; sa
halip ay agad pa nga nila itong lalayuan, dahil hindi nila kilala ang boses nito.
4
J UA N 1 0 : 4 , 5
Nakikinig sa akin ang aking mga tupa. Kilala ko sila at sumusunod sila sa akin.
J UA N 1 0 : 2 7
Ang lahat ng debosyonal ngayong araw ay pagsasanay upang matulungan tayong
lumago sa kakayahang mapakinggan ang tinig ng Diyos. Bagama’t ang nakasulat sa
Salita ng Diyos ang pangunahing paraan ng Diyos ng pakikipag-usap sa atin, gusto
kong pagtuunan ng pansin ang pakikinig sa Diyos sa pamamagitan ng mga impresyon,
pangitain, panaginip, at ng tinig ng Banal na Espiritu.
Pinili kong ilarawan ng proseso ng pakikinig sa tinig ng Diyos sa pamamagitan ng
talinghaga gamit ang isang cellphone. Di gaya ng mga mga cellular companies sa mundo
na pinapangakuan tayo ng hindi mapuputol na signal pero hindi naman natutupad,
ang Diyos ay may kakayahan na maghatid sa atin ng signal ng Kanyang tinig mula sa
langit kahit saan mang dako ng mundo tayo naroon. Kung ito ang sitwasyon, bakit tayo
nagkakaproblema sa pakikinig sa tinig ng Diyos? Sa katunayan, sinabi niya, “Ang aking
mga tupa (mga Kristiyano) ay nakakarinig ng boses ko.”
Bago ko sagutin ang tanong na ito, kunin mo ang iyong cellphone at patayin ito.
Mayroon ka mang iPhone, Samsung, o anumang tatak, angkop ito para sa pagsasanay.
Narito ang isang mahalagang bagay na dapat tandaan: maliban sa pagsasanay na
gaya nito, itunuturing ko ang cellphones na isa sa mga matinding nakakagulo laban sa
pakikinig sa tinig ng Diyos na kinakaharap ng mga Kristiyano.
Pindutin ang power button—Gaano man kaganda ang telepono mo, hindi ka
makakatanggap at makakagawa ng tawag hangga’t hindi mo ito binubuksan. Hindi
ito naiiba sa ating mga tao. Maliban na lamang kung ang koneksyon natin ay naka
“on,” ang regular na pakikipag-usap sa Diyos ay imposibleng mangyari. Sa larangang
espirituwal, ang ating koneksyon ay nabubuksan sa pamamagitan ng pagtanggap
kay Cristo at pagbabautismo sa Banal na Espiritu. Sa pagtanggap kay Cristo, ang
ating espiritu ay muling nagiging isa sa Banal na Espirtu at tayo ay nagkakaroon
ng bagong pagkatao. Bagama’t ibinabalik nito ang ating komunikasyon sa Diyos,
ang bautismo ng Banal na Espiritu ang nagpapalakas sa atin upang marinig ng mas
malinaw ang tinig ng Diyos.
Pakikinig sa Tinig ng Diyos
23
Gawing vibrate ang telepono—Naitanong mo na ba kung ano kaya ang “ringtone”
ng Diyos? Natuklasan ko na kung tinatawagan Niya tayo, kadalasan, ito ay sa
pamamagitan ng damdamin, mabigat na pasanin, o impresyon. Ang mga ito ang
pinaka-simpleng paraan ng pakikipag-usap ng Diyos sa atin. Lahat tayo ay gumamit
ng mga katagang, “Naramdaman ko ang presensya ng Diyos,” o kaya ay, “Nandito
talaga ang Diyos ngayon.” Ang mga katagang ito ay halimbawa ng ganitong uri
nang komunikasyon.
Ang nakalulungkot ay karamihan sa atin ay hindi na umusad mula sa
pinakasimpleng anyo sa pagdanas ng presensya ng Diyos. Kuntento na tayo na
nararamdaman ang Kanyang presensya gayong maaari tayong makipag-usap
sa Kanya. Sa katunayan, kung ginawa ng Diyos ang lahat para puntahan tayo,
malamang na mayroon Siyang gustong sabihin sa atin. Ang totoo niyan, malamang
na napakarami na Niyang sinasabi sa atin, subalit hindi natin naririnig. Bilang isang
espirituwal na katauhan, madalang na makipag-usap ang Diyos sa pamamagitan ng
tinig na pisikal nating naririnig. Ang katotohanan na lahat tayo ay maaaring hindi
makakilala sa tinig ng Diyos ay inilarawan sa Job 33:
Ang totoo, palaging nagsasalita ang Diyos, kaya lang hindi nakikinig ang mga tao.
Nagsasalita siya sa pamamagitan ng panaginip o ng pangitain habang ang tao’y
natutulog ng mahimbing sa gabi.
14
15
JOB 33:14-15
Tanggalin sa vibrate ang iyong telepono—Dahil sa bersong ito, mahalaga na
matutunan natin na parehong makita at marinig ang sinasabi sa atin ng Diyos.
Ngayon, tanggalin sa vibrate mode ang iyong telepono. Minsan, basta na lamang
tatawagin ng Diyos ang iyong pangalan kung gusto Niyang makipag-usap sa iyo.
Sa ibang pagkakataon, maaari ka Niyang bigyan ng ilang mga utos. Dahil dito,
mahalagang makilala ang tinig ng Diyos, kahit sumasagot ka lamang sa Kanyang
tawag o kaya ay nakikipag-usap ng malaliman sa Kanya. Kahit na maaaring
makipag-usap ang Diyos sa pamamagitan ng boses na pisikal nating maririnig,
madalas na Siya ay nakikipag-usap sa tinig sa loob ng ating pag-iisip.
Sa 1 Hari 19:12, ang paraang ito ng pakikipag-usap sa Diyos ay tinaguriang “tinig na
parang bulong.” Ang tinig na ito ng Banal na Espiritu ang malamang na tinutukoy ni
Apostol Pablo sa Mga Taga-Roma 8:16 nang sabihin niya na, “Ang Banal na Espiritu
at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayo’y mga anak ng Diyos.” Maliban
sa nakasulat na Salita ng Diyos, ito ang pangunahing paraan ng pakikipag-usap ng
Diyos sa Kanyang mga anak.
Para matulungan kang maunawaan kung paano gumagana ang komunikasyong ito,
hayaan mo akong gamitin ang halimbawa na ginamit ko para maturuan ang aking mga
anak kung paano marinig ang Panginoon. Bilang isang magulang, alam ko na kung
hindi ko tuturuan ang aking mga anak kung paano makinig sa tinig ng Diyos, darating
ang panahon na hindi na sila makikipag-usap sa Kanya. Ang pakikipag-usap sa isang
tao o katauhan na hindi sumasagot ay hindi naiiba sa pakikipag-usap sa pader.
24
Knowing God
Sa pagtuturo ko sa aking mga anak kung paano makinig sa tinig ng Diyos at makakita
ng mga pangitain, sinasabihan ko silang bigkasin nang malakas ang kanilang mga
pangalan. Pagkatapos ay sinasabihan ko sila na isipin na may tumatawag sa kanilang
pangalan. Ipinapaliwanag ko na ang tinig na narinig nila sa kanilang isipan ay katulad
ng tinig ng Diyos. Kapag nakita kong naintindihan na nila ang konseptong ito,
sinasabihan ko sila na makinig gabi-gabi, bago sila matulog, at tanungin sa Diyos kung
ano ang nasa isip Niya.
Habang sila ay nakapag-iisip at payapa na kadalasang kondisyon bago makatulog,
itutuon nila ang kanilang pansin sa Panginoon at hihintayin Siya na mangusap.
Sa pamamagitan ng prosesong ito, ang lahat ng apat kong anak ay natuto kung
paano makinig sa tinig ng kanilang pinakamamahal na Tagapagligtas at Kaibigan.
Hindi ito naiiba para sa iyo. Anuman ang iyong edad, kung lalapit ka sa Diyos
gaya ng isang nagtitiwalang bata, kayo ay mag-uusap “katulad ng magkaibigan na
nagkukuwentuhan” (Exodus 33:11).
Ang isa pang paraan kung paano nakikipag-usap ang Diyos sa atin ay sa pamamagitan
ng mga imahe o larawan. Bagama’t ang ibang pangitain ay mukhang totoo, ang mga
ito ay karaniwang mga imahe at larawang nagpapakita ng imahinasyon lamang ng
isang tao. Pero, hindi tulad ng pag-iisip ng mga bagay na hindi totoo, ang mga imahe
at larawang ito ay hindi lamang basta inisip ng isang tao. Ang Diyos ang may gawa
ng mga ito. Ang mga panaginip naman ay mga pangitaing mula sa Diyos. Ang ilang
halimbawa nito ay ang pangitain ni Pablo kung saan pumunta si Ananias upang
tulungan siya (Mga Gawa 9:12) at ang pagbibigay babala ng Diyos kay Jose sa
panaginip (Mateo 2:13).
Signal problems—Sa cellular world, ang lakas ng signal ay maaaring maapektuhan
ng layo o lapit sa isang cell tower, mga harang katulad ng gusali, puno, signal mula sa
ibang communication towers, o kaya ay kondisyon ng telepono. Una sa lahat, katulad
ng epekto sa signal ng lapit o layo sa isang cell tower, ang ating kakayahan na marinig
ang Diyos ay may direktang kaugnayan sa lapit o layo natin sa Kanyang katauhan at
mga mamamayan (iglesya). Tandaan, ang pakikinig sa Diyos ay hindi lamang isang
kasanayan; ito ay isang relasyon. Dahil dito, habang mas dumarami ang magandang
kalidad na oras natin sa piling ng Diyos, mas maayos natin Siyang maririnig.
Ang salitang kalidad dito ay mahalaga. Kung walang disiplina at pagtutok, ang
ating oras sa piling ng Diyos ay maaaring masayang. Kapag sinabi kong disiplina,
hindi ko lamang tinutukoy ang espirituwal na disiplina. Tinutukoy ko ang disiplina
na kailangan upang hindi matangay ng mga panggugulo ng media. Kapag mayroon
na tayong disiplina, tayo’y malaya nang maitutuon sa Diyos sa pamamagitan ng
Kanyang Salita, at pagsamba at paghihintay sa Kanya.
Ang ating lapit o layo sa mamamayan ng Diyos ay mahalaga rin. Kung wala ang
pagdidisipulo, pagtuturo, pagsasama-sama, paghahasa, at pananagutan sa isa’t-isa
na ibinibigay ng isang mabuting lokal na iglesya, hindi tayo magkakaroon ng
pundasyon na kailangan natin upang maitatag ang tunay, at lumalagong relasyon
Pakikinig sa Tinig ng Diyos
25
sa Diyos. At ang signal ng tinig ng Diyos ay labis na lumalakas sa pamamagitan ng
sama-samang pagsamba, na nagpapadali ng pakikinig sa Kanyang tinig habang
hinihintay natin siya na may musikang tumutugtog at ang iba ay naka-tuon din ang
pansin sa Kanya.
Gaya ng paraan kung paano gumaganda ang kalidad ng isang tawag dahil sa
kondisyon at kalidad ng telepono, ang kondisyon ng ating kaluluwa ay mahalaga
sa proseso ng pakikinig sa Diyos. Ito ang ilan sa mga bagay na nakaaapekto sa
ating kakayahan na marinig ang Diyos: panlulumo, pagkapagod, sakit, panlalata,
kaguluhan ng isip, at pagiging laging abala. Hindi mo maaaring kalimutan na ang
iyong espirituwal na buhay ay labis na apektado ng iyong pisikal, emosyonal, at
intelektuwal na kondisyon. Maaari rin itong mapinsala kung ikaw ay ginugulo ng
iyong konsensya dahil sa isang kasalanan na hindi mo inaamin.
Kung wala namang ganitong kondisyon, ito ay dulot lamang ng ingay sa paligid.
Gaya ng epekto ng ibang electonic signals sa larangan ng cellular communication,
ang ating kaaway, ang “hari ng mga espiritung naghahari sa mundo,” ay gagawin ang
lahat ng kanyang magagawa para sirain ang ating kakayahan na marinig ang tinig
ng Diyos.
Namuhay kayong gaya ng mga taong makamundo. Sakop kayo noon ng
kapangyarihan ni Satanas, ang hari ng mga espiritung naghahari sa mundo. At siya
rin ang espiritung kumikilos sa puso ng mga taong ayaw sumunod sa Diyos.
M G A TAG A- E F E S O 2 : 2
Di gaya ng dungis na dala ng kasalanan, ang pagpigil na dala ng kaaway ay
karaniwang dumarating sa anyo ng alon o pader. Bilang alon, ito ay karaniwang
malakas na akusasyon, pagkasira, takot, kawalan ng pag-asa, o kahinaan. Bilang
isang pader, ito ay tila isang harang na walang makakasira. Tinalakay na natin sa
Day 4, “Ang Espada ng Espiritu,” kung ano ang gagawin kapag may nagaganap na
paglaban na dala ng kaaway.
ISAPAMUHAY
Oras na para magsalita—Dahil ang ating “power” ay nabuksan na, Hilingin natin sa
Kanya na tawagin tayo.
• Patahimikin ang iyong diwa at huminga ng malalim. Sabihin sa Kanya na
mahal mo Siya at na gusto mong makipag-usap sa Kanya. Naririnig mo ba ang
Kanyang bulong?
• Huwag magmadali. Maglaan ng dalawa hanggang tatlong minuto sa paghihintay.
Maaari mo Siyang maramdaman bago mo pa Siya marinig.
• Kung nararamdaman mo na ang Kanyang “tawag,” sabihin, “Ano ang gusto mong
sabihin sa akin Panginoon?”
26
Knowing God
• Isulat kung ano ang iyong naririnig. Kung ikaw ay nahihirapan, maaaring may
problema ang iyong signal.
_______________________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________
MANALANGIN
Magsanay ulit tayo.
• Patahimikin ang iyong diwa, at simulang sumamba sa ibang wika na
hindi natutunan.
• Matapos ang ilang saglit, hilingin sa Diyos na mangusap sa iyo; mas maging
partikular ngayon. Hingin sa Diyos kung paano mo dapat ipanalangin ang iyong
pastor at ang kanyang pamilya.
• Marahil ay may nais Siyang sabihin sa iyo tungkol sa bahagi ng buhay mo na
nahihirapan kang baguhin.
• Sa pagtatapos mo ng pagsasanay na ito, ipanalangin ang rehiyon sa mundo na
napili mo para sa araw na ito (pahina 28).
Ngayon ay narating na natin ang huling araw ng ating pananalangin at pag-aayuno
para sa taong 2017. Ang mga espirituwal na kasanayang itinataguyod mo ay may
potensiyal na magdala ng kapangyarihan na kayang bumago ng iyong buhay. Maaari
kang maghintay ng mga isa o dalawang linggo, at gawin muli ang limang araw na ito
(maaring debosyon lamang, hindi kinakailangang pati ang pag-aayuno). Sa huli, ang
mga debosyonal (at ang mga pagsasanay na nakapaloob sa mga ito) ay hindi lamang
para sa pagpapabuti ng iyong espirituwal na kakayahan. Ang mga ito ay tungkol sa
pagtugon sa paanyaya ng iyong Tagapagligtas na kilalanin Siya at ipakilala Siya sa
iba. Ipinapanalangin ko na sa lahat ng nagdaang taon, itong taon na ito ang magiging
pinakamagandang taon mo kay Cristo!
Pakikinig sa Tinig ng Diyos
27
Ipanalangin ang mga Bansa
Ang Every Nation ay may mga iglesya at campus ministries sa
73 ng 196 na mga bansa sa mundo, may 123 na bansa pa!
REHIYON
Asia & Oceania
Africa
Europe
Latin America
Middle East
North America
MGA DAPAT IPANALANGAN
Ipanalangin na magkarooon ng pagkakataon na maipahayag ang Mabuting
Balita sa lahat ng bansa.
Hilingin mo sa akin ang mga bansa sa buong mundo, at ibibigay ko ito sa iyo bilang
mana mo.
MGA SALMO 2:8
Ipanalangin ang mga manggagawa na pupunta sa lahat ng bansa at lahat
ng campus.
“Kaya idalangin ninyo sa Panginoon, na siyang may-ari ng anihin, na magpadala
siya ng mga tagapag-ani.”
M AT E O 9 : 3 8
Ipanalangin ang mga pastor at mga campus ministers na buong tapang na maipahayag
ang Mabuting Balita.
Ipanalangin din ninyo ako sa tuwing mangangaral ako, na bigyan ako ng Diyos
ng wastong pananalita para maipahayag ko nang buong tapang ang Magandang
Balita na inilihim noon. 20Sapagkat isinugo ako ng Diyos para mangaral ng
Magandang Balitang ito na siyang dahilan ng pagkakabilanggo ko.
19
M G A TAG A- E F E S O 6 : 1 9 - 2 0
Ipanalangin ang mga iglesya at campus ministries na patuloy na lumago ang
kanilang impluwensya at bilang.
Kaya patuloy na kumalat ang salita ng Diyos. Marami pang mga taga-Jerusalem
ang naging tagasunod ni Jesus, at marami ring pari ang sumampalataya sa kanya.
M G A G AWA 6 : 7
28
Knowing God
Every Nation is a global family of churches
and ministries that exists to honor God
by establishing Christ-centered, Spiritempowered, socially responsible churches
and campus ministries in every nation.
everynation.org/fasting #ENfast2017