Oryentasyon ng Anakbayan

Oryentasyon ng Anakbayan
Borador para sa Ika-6 Pambansang Kongreso, Mayo 2011
Ano ang ANAKBAYAN?
Ang Anakbayan ay Pambansa-Demokratikong komprehensibong pangmasang organisasyon ng mga kabataang
Pilipino na naglalayong pukawin, organisahin at pakilusin ang mga kabataan para sa Pambansang Demokrasya
na may Sosyalistang perspektiba.
Pinagkakaisa nito ang mga kabataang manggagawa, magsasaka, maralita, estudyante, propesyunal,
kababaihan, migrante, Moro at iba pang pambansang minorya upang makibahagi sa pagsusulong at
pagtatagumpay ng Pambansa-Demokratikong pakikibaka ng mamamayang Pilipino. Kaalinsabay ng pakikibaka
para sa mga kagyat at pangmatagalang kahilingan ng mga kabataan, matatag at mahigpit itong sumasanib sa
lakas at pakikibaka ng masang anakpawis.
Itinatag noong 30 Nobyembre 1998, araw ng kapanganakan ng dakilang rebolusyunaryong si Andres Bonifacio
at araw ng pagkakatatag ng unang komprehensibong pangmasang organisasyon ng mga kabataan, tangan nito
ang prinsipyo at tinatahak ang dakila at marangal na tradisyon ng Kabataang Makabayan (KM). Bilang
pagpapatuloy ng simulain ng Katipunan at KM, matatag itong naninindigan, nagkakaisa at nagsusulong sa
pakikibaka ng mamamayan para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa sistemang malakolonyal at
malapyudal na pinaghaharian ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo.
Mula sa pagkakatatag nito, pinukaw, inorganisa at minobilisa ng Anakbayan ang libo-libong kabataan sa mga
balangay nito sa buong bansa para sa pambansang demokrasya. Mahigpit nitong ipinagsanib ang pakikibaka
ng sektor ng kabataan sa pakikibaka ng buong sambayanan.
Ano ang kalagayan ng kabataan at mamamayang Pilipino?
Nasasadlak sa walang-kapantay na krisis, matinding kahirapan at kaapihan ang mamamayang Pilipino dahil
kontrolado at lubos na pinakikinabangan ng dayuhan at mga lokal na naghaharing uri ang likas yaman ng
bansa para sa sariling ganansiya. Pinipiga nito ang malalaking tubo mula sa puwersang paggawa, talino at
yamang likha ng mamamayan sa pamamagitan ng mapagsamantalang mga pakana na nakakapinsala sa
masang anakpawis.
Ang iilang naghaharing uri
Kinokontrol at nagpapasasa sa yaman ng bayan ang imperyalismong Estados Unidos (EU) at alyado nitong lokal
na naghaharing uri na malaking burgesya kumprador at panginoong maylupa. Binubuo ng mga ito ng isang
porsyento (1%) lamang ng ating populasyon.
a. Panginoong Maylupa (PML)
Ang uring PML ang may-ari ng malalawak na lupang pang-agrikultura na ‘di bababa sa 50 hektarya.
Hindi sila lumalahok sa produksyon at pinagsasamantalahan ang masang magsasaka sa pamamagitan
ng pagsingil ng upa sa lupa, buwis at mataas na interes sa usura, pangangamkam ng lupa at pandaraya
sa pagkuwenta ng gastos sa punla, abono, pestisidyo, patubig at gamit sa produksyon. Binabarat nito
ang sahod ng mga manggagawang bukid o sapitilan silang pinagtatrabaho.
b. Malaking Burgesya Kumprador (MBK)
Ang uring MBK ang may pinakamalaking nakakamal na kapital bilang prinsipal na ahente ng
imperyalismong EU sa kalakalan at pinansya. Mahigpit nitong katuwang ang uring PML (o ‘di kaya sila
mismo ay PML) dahil ang pang-ekonomiyang interes nila ay nakasalalay sa produksyon ng murang
hilaw na materyales. Ang yaman nila ay pangunahing kinukuha sa pag-eksport ng lokal na hilaw na
materyales (asukal, niyog, troso, mineral, atbp.), pag-iimport ng mga yaring produkto at pambabarat sa
sahod ng mga manggagawa.
Ang nakararaming pinagsasamantalahan at inaaping uri
Binubuo ang 99% ng ating populasyon ng mga manggagawa, magsasaka, mala-proletaryado, petiburgesya at
pambansang burgesya. Sa kanilang lakas at talino naipundar ang malawak na agrikultura, pabrika, minahan,
transportasyon at komunikasyon na bumubuhay sa lipunang Pilipino. Sila ay isang makapangyarihang pwersa
sa pag-unlad.
a. Pambansang Burgesya (PamBur)
Binubuo ng mga negosyante sa siyudad at probinsya na interesado sa “makabayang industriyalisasyon”
ang uring PamBur, sila ay 1-2% ng populasyon. Pang-ekonomiyang interes nila ang pagkakaroon ng
maliit na pagawaan at maliitang manupaktura (Hal. alak, sapatos at balat, tabako, langis ng niyog,
arina, tela, atbp.) at negosyo sa pagbebenta at transportasyon ng mga produktong nakaasa ng husto sa
imported na hilaw na materyales. May ambisyon sila na maging malaking burgesya at magtayo ng
estadong kapitalista ngunit pinagsasamantalahan dahil sa pagtatambak ng yaring produkto at
pagmomonopolyo at pagmamanipula ng imperyalistang EU at MBK sa lokal na ekonomiya.
b. Petiburgesya (Peti-B)
Kabilang sa uring Peti-B ang malawak na mayorya ng intelihensya tulad ng mga guro, kabataangestudyante, propesyunal na maliit ang kita, mababang upisyal ng gubyerno, sanay na manggagawang
mataas-taas ang sweldo atbp. na bumubuo sa 8% ng populasyon. Sila ang may pinakakaunting ari-arian
sa hanay ng burgesya. Medyo nakasasapat lang sila sa kabuhayan na nagmumula sa pagmamay-ari ng
kaunting kasangkapan sa produksyon o pagkakaroon ng ispesyal na treyning o kasanayan.
Dumadausdos ang kanilang kabuhayan dahil bumababa ang tunay na halaga ng kanilang maliit na kita,
nanganganib ang kasiguraduhan sa trabaho o ‘di kaya’y hindi makahanap nito.
c. Ang Uring Magsasaka
Sila ang kalakhang puwersa ng pambansang ekonomiya na bumubuo sa 75% ng populasyon ng bansa. 7
sa 10 magsasaka ang walang sariling lupa at lalo pang inaagawan ng lupa dahilan upang sila ay
magbayad ng upa sa lupang pinagmamay-arian ng PML katumbas ang higit pa sa kalahati ng kanilang
ani. Nabibiktima sila ng husto sa pamamagitan ng mataas na interes sa usura, pandaraya ng PML sa
pagkuwenta ng gastos sa produksyon at pambabarat sa presyo ng kanilang ani. Kadalasa’y obligado
silang ibenta ng mura ang kanilang lakas-paggawa bilang manggagawang bukid o sakada at
manggagawa sa konstruksyon atbp.
d. Ang Uring Proletaryado o Manggagawa
Ang uring walang pinagmamay-ariang anumang kasangkapan sa produksyon at obligado magbenta ng
lakas-paggawa sa mga kapitalista. Binubuo nila ang 15% ng populasyon (Hal. manggagawa sa minahan,
pabrika ng tela at gamot, planta ng pagkain at inumin, imprenta, manggagawang bukid sa asukarera at
koprahan, atbp.). Mula sa kakarampot nilang sahod puwersahang nalilikha ang sobrang halaga o tubo
na kinakamal ng mga kapitalista. Ang kawalan o kakulangan sa trabaho ang nagpupuwersa sa kanilang
pumasok sa mapagsamantalang mga kasunduan na nagpapanatiling mababa ang kanilang sahod at
lugmok sila sa kahirapan.
Bahagi ng uring ito ang mga malaproletaryado na walang ari-arian, ‘di sapat ang sahod, ‘di regular at
kulang ang kinikita at walang katiyakan sa trabaho. Madalas silang matatagpuan sa mga maralitang
komunidad: mga karpintero, taga-kumpuni, naglalako, may-ari ng maliit na tindahan, kargador sa pier
at palengke, katulong sa tindahan o bahay, drayber ng traysikel o jeep atbp.
Ang partikular na kalagayan ng mga kabataan
Kabilang ang mayorya ng kabataan sa uring manggagawa at magsasaka. Gaya ng kanilang magulang na
manggagawa, karaniwang mas maliit pa ang sahod ng mga kabataang trabahador bilang mga kaswal o
kontraktwal na manggagawa. Malaking problema ng mga kabataang magsasaka ang kawalan o kakulangan ng
lupang sakahan. Kadalasa’y puwersado silang magbigay ng libreng serbisyo bilang mga kasama o ‘di kaya’y
tumanggap ng napakaliit na sahod at magtrabaho sa ilalim ng mahihirap na kundisyon bilang mga
manggagawang bukid.
Karamihan ng mga kabataan sa hanay ng petiburgesya ay may napakaliit na pirmihang kita na hindi
mapagkasya sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at binabarayang buwis, hindi makahanap ng trabaho o ‘di
kaya’y di angkop ang nahanap na trabaho sa kanilang tinapos. Tulad ng malawak na mamamayan,
pinagkakaitan rin sila ng batayang serbisyong panlipunan.
Hindi natatamasa ng kabataan ang karapatan sa edukasyon pagkat ito’y pinatatakbo bilang mga negosyong
pinagkakakitaan ng husto. Marami sa mga kabataan ang natigil sa pag-aaral at kinailangang maghanapbuhay
na lamang dahil hindi makasabay sa taun-taong pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin. Maraming
estudyante ang namamasukan bilang call center agents, klerk, katulong sa bahay, drayber, manggagawa sa
pabrika atbp. upang kumita ng ikabubuhay at pangmatrikula. Kadalasa’y nagmumula sila sa pamilyang
proletaryado at magsasaka na dahil sa papaliit na pondo ng gubyerno sa edukasyon ay limitado o kaya walang
opurtunidad na makatungtong sa paaralan.
Bunga rin ng kasalatan sa buhay at kawalan ng oportunidad sa hanapbuhay at edukasyon, may mga kabataang
naaakit umanib sa pasistang armadong puwersa at suungin ang mapanganib na hanapbuhay bilang sundalo ng
AFP, CAFGU o puwersang paramilitar. Sinisiil rin ang karapatang pampulitika at sibil ng mga kabataan at
mamamayan. Kay rami ng mga demonstrasyong binuwag at ‘di na rin mabilang ang mga kabataang biktima ng
pagdakip, pagbilanggo, tortyur at pagpaslang ng pasistang estado.
Ano ang ugat ng mga suliranin ng kabataan at mamamayang Pilipino?
Madilim ang kinabukasan ng kabataan at mamamayang Pilipino sa isang lipunang nasasadlak sa krisis dulot ng
kontrol ng dayuhang monopolyo sa lokal na ekonomiya at pyudal na pang-aapi sa kanayunan o ang
malakolonyal at malapyudal (MK-MP) na sistemang pang-ekonomiya’t panlipunan.
Ang MK-MP na lipunan ay pinaghaharian ng tatlong salot na imperyalismong US, pyudalismo at burukrata
kapitalismo na walang awang nagsasamantala sa malawak na mamamayang Pilipino. Ang tatlong ito ang
pundamental na suliraning nagpapahirap sa lipunang Pilipino.
Ang imperyalismong US, pyudalismo at burukrata kapitalismo
Ang imperyalismo ang monopolyong yugto ng kapitalismo. Binigyang-daan ng malayang pamilihan ang
konsentrasyon ng produksyon at kapital sa kamay ng iilan. Lumitaw ito nang makontrol ng mga monopolyo
kapitalista ang ekonomiya, pulitika at kultura sa mga pinakaabanteng kapitalistang bayan. Nangangahulugan
rin ito ng gera para sa pagpapanatili at pag-agaw ng mga teritoryo dahil ito ang pamamaraan para
pansamantalang malutas ang kanilang krisis sa sobrang produksyon. Kinakailangan nila ang mga kolonya at
malakolonya gaya ng Pilipinas sapagkat sa tuwirang pamumuhunan, kolonyal na kalakalan at pagpapautang
nagkakamal ng supertubo ang mga imperyalista.
Ang pyudalismo ay ang sistema ng produksyon na ang pangunahing puwersa sa produksyon ay ang mga
magsasaka at lupang kanilang binubungkal. Saligang katangian ng relasyon sa produksyon ang pagkikil ng iilang
palamuning uring panginoong maylupa ng napakataas na upa sa lupa sa mga magsasaka dahil monopolyado
nila ito. Biktima ang mga magsasaka ng mataas na interes sa usura, sapilitang pang-aalila, mababang pasahod
sa mga magbubukid at pangangamkam ng lupa. Baseng panlipunan ng imperyalismo ang pyudalismo dahil sa
pagpapanatili sa atrasado at maliitang pagsasaka nagkakamal sila ng sobrang ganansya sa pagsasamantala sa
murang lakas paggawa at murang hilaw na materyales.
Ang burukrata kapitalismo ay ang pagpapatakbo sa gubyerno nang parang negosyo. Ginagampanan ng mga
tutang burukrata o opisyal ng reaksyunaryong gubyerno ang ispesyal na papel na pag-ugnayin ang interes ng
mga imperyalista at lokal na mapagsamantala at supilin ang determinadong paglaban ng mga aping
mamamayan. Sa pagpapanatili sa malakolonyal at malapyudal na kalakaran, nakakapagpayaman ang mga
nakaupo sa kapangyarihan sa paggamit sa kanilang pusisyon upang makapangurakot at makapagpalawak ng
pag-aaring lupa at negosyo. Ito ang batayang panlipunan ng pasismo.
Malakolonyal at malapyudal ang lipunang Pilipino
Ang malakolonyal na katangian ng lipunang Pilipino ay pangunahing itinatakda ng di-tuwirang paghahari ng
imperyalismong US sa ekonomiya, pulitika at militar at kultura ng Pilipinas.
Ang malapyudal na katangian naman ay pangunahing itinatakda ng pagpasok at pagpapailalim sa katutubong
pyudalismo sa monopolyo kapitalismo ng US.
Ang konkretong resulta ng pagsasanib ng dalawang naghihingalong pwersa—monopolyo kapitalismong US at
katutubong pyudalismo—ay ang pagka-agnas at pagkalusaw ng natural na ekonomiyang nakasasapat sa sarili
na naging ekonomiyang pangkalakal. Ito ay nagbunga ng kawalan ng pagsulong sa ekonomiya, walangkapantay na krisis, kawalan ng batayang industriya, matinding depisito sa kalakalan, pagkakautang, kahirapan
at kaapihan.
Simula nang matali ang lokal na ekonomiya sa pandaigdigang sistemang monopolyo kapitalismo, hindi
nagkaroon ng tunay na paglago ang lokal na ekonomiya. Pinanatili nito ang pyudal na pang-aalipin sa
kanayunan upang lumikha ng dagat ng reserbang hukbo ng paggawa para sa mas murang presyo ng lakaspaggawa. Iniayon naman ang agrikultura sa produksyon ng mga produktong nakatuon sa pag-eeksport ng mga
kailangan ng mga imperyalistang bayan. Nangamatay ang lokal na produksyon dahil sa pananalasa ng
patakarang neoliberalisasyon o globalisasyon sa agrikultura, pagtanggal ng taripa at subsidyong nabibigay
proteksyon rito at pagbaha ng murang inaangkat na produktong agrikultural.
Dahil sa pagpigil ng imperyalismong US sa pag-unlad ng pambansang kapitalismo, walang naitayong batayang
industriya sa bansa. Nasa palagiang krisis sa balance of trade ang bansa dahil sa pagiging export-oriented at
import-dependent nito. Nalulugi ang pambansang ekonomiya sa pagluluwas ng murang hilaw na materyales at
semi-processed na produkto at kalakal samantalang nag-aangkat ito ng napakamahal na esensyal na kalakal at
yaring produkto gaya ng langis sa mga imperyalistang bayan.
Dahil sa pagkalugi sa di-pantay na kalakalan at kawalan ng batayang industriya na nakatungtong sa maunlad
na agrikultura, naibabaon ang Pilipinas sa utang sa imperyalistang US at oligarkiya sa pinansya.
Higit pang de-industriyalisasyon ang dulot ng tuwirang dayuhang pamumuhunan sa bansa. Ang paglalagak ng
kapital ng US at iba pang imperyalistang bayan sa bansa ay hindi para sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya
at paglikha ng trabaho para sa mga manggagawa. Layunin nito ang kumita ng gahiganteng tubo mula sa
murang hilaw na materyales at murang lakas-paggawa.
Susi ang ginagampanang papel ng neokolonyal na estado ng Pilipinas sa pagtataguyod at pagpapatupad ng
mga patakarang ayon sa interes ng mga dayuhang imperyalista at lokal na naghaharing uring nagpapakasasa
sa yaman ng bansa. Ang makauring diktadura ng imperyalistang US at ahente nitong malaking burgesya
komprador at alyadong panginoong maylupa ang nagtityak na mapoprotektahan at maitataguyod ang kanilang
interes sa sistema ng produksyon at superistrukturang malakolonyal at malapyudal na lipunan.
Ano ang solusyon sa mga suliranin ng kabataan at mamamayang Pilipino?
Ang pangmatagalang solusyon sa krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan ay ang pagpapatuloy at
pagwawagi sa pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba ng mamamayang
Pilipino—pakikibakang naghahangad ng paglaya ng sambayanang Pilipino sa dayuhan at pyudal na pang-aapi’t
pagsasamantala.
Ito ay pambansa dahil tayo ay nananawagan sa mamamayang Pilipino na maglunsad ng pambansang gera sa
pagpapalaya o paggigiit ng pambansang soberanya at pagpapabagsak sa imperyalismong US.
Ito ay demokratiko dahil tayo ay nananawagan sa malawak na masa na maglunsad ng demokratikong
rebolusyon, pangunahi’y gerang magsasaka sa kanayunan, para durugin ang pyudal na batayang panlipunan
ng paghaharing imperyalista at pagkakaroon ng lupa ng mga magsasaka. Hinahangad nitong itaguyod ang
demokratikong karapatan ng mamamayan laban sa pasismo ng estado.
Bagong tipo ang ating pambansa-demokratikong pakikibaka, bagama’t maituturing na karugtong at
pagpapatuloy ng Rebolusyong Pilipino 1896 at Digmaang Pilipino-Amerikano, sapagkat nasa uring anakpawis
(proletaryado at mahigpit na alyadong magsasaka) ang makauring pamumuno rito. Ito ay pagkilala na ang
uring anakpawis ang siyang pinakadeterminadong ipagtagumpay ang pambansang demokrasya patungong
sosyalismo.
Tayo ay naninindigan sa mga sumusunod na patakaran at programa sa iba’t ibang larangan na layon ng
pambansa-demokratikong pakikibaka:
Sa laragan ng ekonomiya
 Pagsasabansa ng ekonomiya laban sa dikta ng mga imperyalista
 Pambansang industriyalisasyon bilang pangunahing salik sa planado at balanseng pagpapaunlad sa
lokal na ekonomiya
 Pagpapatupad ng tunay na repormang agraryo bilang batayan ng pag-unlad ng pambansang
industriya
 Pagwawakas sa dominasyon ng imperyalistang US at burgesya kumprador sa mahahalagang
industriya, ahensya at institusyong pinansyal
 Pagsasabansa ng mga istratehikong industriya
 Pagpapawalang-bisa sa mga di-pantay na kasunduan at batas na pumapabor sa dayuhan

Pangangalaga sa karapatan sa trabaho, pagtataas ng kalidad ng pamumuhay at pagpapaunlad sa
serbisyong panlipunan
Sa larangan ng pulitka, militar at ugnayang panlabas
 Pagtatayo ng demokratikong gubyernong bayan na pinamumunuan ng uring manggagawa at
nakabatay sa malawak na alyansa ng uring manggagawa, magsasaka, petiburgesya at pambansang
burgesya
 Pagpapairal sa isang hukbong sandatahan na mayroong makabansa at makamasang oryentasyon,
mangangalaga sa pambansang teritoryo at lalaban sa pananalakay ng dayuhan
 Pagtataguyod at pagtatanggol sa mga demokratikong karaparan—pampulitika at sibil—ng mga
mamamayan
 Pagpapatupad at paggalang sa karapatang magpasya sa sarili ng mamamayang Moro at iba pang
pambansang minorya
 Pagsusulong sa lahatang-panig na pagpapalaya sa kababaihan
 Pagpapatupad ng independyenteng patakarang panlabas—anti-imperyalista, nagsasarili at
palakaibigan
Sa larangan ng kultura
 Pagsusulong sa makamasa, siyentipiko at makabayang kultura laban sa kolonyal, pyudal at anti-popular
na kultura
 Pagdedemokratisa sa sistema ng edukasyon, gagawin itong libre mula pinakamababa hanggang
pinakamataas na antas,
Sosyalista ang perspektiba ng ating pambansa-demokratikong pakikibaka. Ang sosyalismo ay isang sistemang
panlipunan kung saan ang kapangyarihang pang-estado ay nasa kamay ng uring manggagawa at ang mga
kagamitan sa produksyon ay pag-aaring publiko. Pinapalitan nito ang anarkistang sistema ng produksyon para
sa tubo ng sistemang kapitalista ng planadong produksyon para sa paggamit. Papairalin sa sistemang ito ang
alituntuning “mula sa kakayahan ng bawat isa, tungo sa paggawa ng bawat isa”.
Kagyat na sinisimulan ang sosyalisatang rebolusyon at konstruksyon sa tagumpay ng pambansademokratikong pakikibaka ng mamamayan—kapag naibagsak na ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata
kapitalismo at naagaw na ng mamamayan ang kapangyarihang pampulitika sa buong bayan.
Ano ang papel ng kabaatang Pilipino?
Gumagampan ng mahalagang papel ang kabataan sa pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa tunay na
pambansang kalayaan at demokrasya. Makikita ang militansiya ng kabataan sa tradisyon ng rebolusyong
Pilipino: mula sa mga kabataang kasapi ng Katipunan na nagbuhos ng dugo sa larangan ng pakikidigma laban
sa mga dayuhang mananakop hanggang sa Kabataang Makabayan na gumampan sa talibang papel ng
pagmumulat sa masa sa bulok na sistemang panlipunan at pagpapalaganap ng linya at programa ng
pambansang demokrasya.
Walang magandang kinabukasang naghihintay sa isang lipunang kimi at walang pakialam ang mga kabataan.
Bentahe para sa dayuhan at lokal na naghahari, upang mas masahol pang makapanamantala, ang kawalan ng
patriyotiko at progresibong kilusang kabataan. Sa kabilang banda, magtatagumpay lamang ang pambansa
demokratikong pakikibaka kung naaakit nito ang mga kabataan sa pinakamalaki nitong bilang sa linya at
programa ng pambansang demokrasya.
Nahahati ang mga kabataan sa dalawang magkasalungat na panig ng kasaysayan na nagsisikap na
impluwensiyahan sila: sa pagitan ng dayuhan at lokal na naghaharing uri na nagpapalaganap ng kulturang
humuhubog sa burges na paraan sa kaisipan at pag-uugali ng kabataan upang mapanatili ang pananamantala
at puwersa ng rebolusyon na kinakatuwang ang kabataan sa pagsusulong ng mas maunlad at makatarungang
lipunan.
Ang kabataan ang pinakamahusay na edad para sa pakikipaglaban. Bukas ang mga ito sa rebolusyunaryong
mga ideya, sensitibo sa kawalan ng hustisya, nasa kalakasan ng katawan at handang gawin ang kinakailangan
hindi lamang para sa kabataan kundi para sa buong sambayanan. Taglay nito ang katatagan, walang takot na
dedikasyon, militansiya at ‘di mapipigil na lakas.
Ngunit para mabaka ang peti-burges na tendensiya at kaisipang kaya nitong baguhin ang lipunan batay lamang
sa kanilang sariling lakas o ng hiwalay sa ibang puwersang panlipunan dapat nitong iugnay ang sarili sa
pakikibaka ng uring anakpawis. Mulat itong nakakapagpanibagong hubog sa pagsisilbi sa masa at pakikilahok
sa kanilang pakikibaka.
Pumipintig sa mga puso at isipan ng kabataan ang kagustuhan para sa pundamental na pagbabago. Ultimong
layunin ng pakikibaka nito ang pagkamit sa pambansang demokrasya upang wasakin ang sistemang
malakolonyal at malapyudal at ibagsak ang imperyalismong US, pyudalismo at burukrata-kapitalismo.
Tanging sa militanteng pakikibaka lamang lilitaw ang pinakamahusay sa kabataan. Tanging sa pakikibaka
lamang patuloy na mapapanariwa ang panlabang pwersa ng walang hanggang pagdaloy ng bagong dugo ng
rebolusyon.
Ano ang tungkulin ng Anakbayan?
Ang komprehensibong organisasyon ng mga kabataan gaya ng Anakbayan ay kinakailangang batayang
puwersa para sa tagumpay ng pambasa-demokratikong kilusan. Mangangahulugan ng pagtanda at kamatayan
ng rebolusyunaryong kilusan ang kawalan ng komprehensibong organisasyon ng kabataang Pilipino.
Tungkulin ng Anakbayan na:
1. Pukawain, organisahin at mobilisahin ang pinakamalawak na bilang ng kabataan upang sumanib sa
pambansa-demokratikong pakikibaka ng uring anakpawis laban sa imperyalismo, pyudalismo at
burukrata kapitalismo;
2. Buuin ang mahigpit na pagkakaisa ng kabataang Pilipino; mga kabataang manggagawa, magsasaka,
maralitang lungsod, estudyante, propesyunal, kababaihan, migrante, Moro at iba pang pambansang
minorya saan mang lokalidad o lugar at konsentrahan ng mga kabataan;
3. Paigtingin at palawakin ang mga pakikibakang masa; Ipaglaban ang mga makaratungan at kagyat na
kahilingan at interes ng kabataan para sa trabaho, lupa, edukasyon, karapatang pampulitika at sibil at
serbisyong panlipinan (TLEKS) at mahigpit itong ikawing sa pambansa-demokratikong pakikibaka ng
mamamayan;
4. Pataasin ang pampulitika at pambansa-demokratikong kamalayan ng mga kasapi at kabataan; pagaralan at ipalaganap ang linya, programa at pambansa-demokratikong pag-susuri sa hanay ng kabataan
at mamamayan;
5. Mulat at sistematikong ipatupad ang gawaing masa at integrasyon ng mga kabataan sa hanay ng
masang manggagawa at magsasaka sa piketlayn at kanayunan at aktibong lumahok sa kanilang
pakikibaka;
6. Maging mahigpit na katuwang ng uring anakpawis at magsanay ng mga lider-balangay at kabataang
kadre para sa pambansa demokratikong kilusan;
7. Makipag-ugnayan at makipagtulungan sa iba pang organisasyon at grupo ng kabataan para sa mga
konkretong kahilingan at pakikibaka;
8. Mahigpit na makipagkaisa sa mga organisasyon ng mga kabataan sa ibayong dagat at buuin ang
malapad na anti-imperyalistang prente ng mga kabataan; bumuo ng mga balangay ng Anakbayan sa
hanay ng mga kabataang Pilipino sa ibayong dagat.
Sino ang maaaring sumapi sa Anakbayan?
Ang sinumang kabataang Pilipino na may edad labing tatlo (13) hanggang tatlumpu’t lima (35) taong gulang na
naniniwala at nagtataguyod sa mga prinsipyo, layunin at patakaran ng Anakbayan ay maaaring maging kasapi.
Bilang komprehensibong organisasyon, ang Anakbayan ay nagpapasapi mula sa mga kabataang manggagawa,
magsasaka, maralita, estudyante, propesyunal, kababaihan, migrante o kabataang Pilipino sa ibayong dagat,
Moro at iba pang pambansang minorya na handang sumanib sa makapangyarihang pambansa-demokratikong
kilusan ng masang anakpawis.
Maaring maging “probationary member” ang sinumang mas mababa sa labing tatlong (13) taong gulang na
nais maging kasapi. “Honorary member” namang maituturing ang may edad tatlumpu’t limang (35) taon
pataas.
Ang mga organisasyon ng kabataan na naniniwala sa prinsipyo at handang itaguyod ang layunin at patakaran
ng Anakbayan ay maaring maging “affiliate organization” o kaanib na organisasyon ng Anakbayan.
Awtomatikong itinuturing na kasapi ng Anakbayan ang mga indibidwal na kasapi ng kaanib na organisasyon.
Bilang kasapi ng Anakbayan, tungkulin natin makakuha ng pampulitikang edukasyon sa linya at programa ng
pambansa-demokratikong pakikibaka. Sa pangunahi’y sapat ang pag-aaral ng Oryentasyon, Programa at
Konstitusyon ng Anakbayan at sa kalauna’y mapapalalim ang ating kaalaman sa mga pag-aaral sa ilalim ng
Pambansa-Demokratikong Paaralan o PADEPA. Gabay ang pampulitikang edukasyon sa paggamapan sa ating
batayang tungkulin na magpropaganda-ahitasyon sa masa at magrekluta ng mga bagong kasapi.
Batayang karapatan nating mga kasapi ang magpahayag ng opinyon at magbigay ng mungkahi, magboluntaryo
para sa mga gawain, maghalal at mahalal, mapaabutan ng kritisismo at aksyong pandisiplina. Tungkulin naman
natin na dumalo sa mga pulong, makatanggap ng gawain, magrekluta ng kasapi, lumahok sa mga aktibidad at
magbayad ng butaw.
Ano ang balangay?
Ang balangay (chapter) ay ang batayang yunit ng Anakbayan. Ito ang materyal na ekspresyon ng kaisahan sa
pulitika at solidong lakas ng organisasyon. Layon natin na makapagbuo ng malalaki at malalakas na balangay
mula sa batayan hanggang pambansang antas upang epektibong maibandila ang linya at programa ng
pambansang demokrasya at makapamuno sa mga kampanya at pakikibakang masa.
Ang isang balangay ay binubuo ng ‘di bababa sa labing isang (11) kasapi. Ito ay itinatayo kung saan may
konsentrasyon ng mga kabataan—sa mga pabrika o pagawaan, pamayanan ng mga magsasaka, komunidad ng
maralita, eskuwelahan, atbp.
Ang sumusunod ang mga tungkulin ng balangay ng Anakbayan:
a) palaganapin ang linya, programa at patakaran ng ANAKBAYAN;
b) buuin ang istruktura para sa demokratikong partisipasyon ng kasapian;
k) magrekluta ng bagong kasapi, mangolekta ng butaw, magbuo ng mga
bagong balangay;
d) maglunsad ng mga pag-aaral sa hanay ng kasapian;
e) regular na maglunsad ng mga integrasyon sa batayang masa -- piketlayn,
sakahan at komunidad;
f) pag-aralan at siyasatin ang pangangailangan, kalagayan at interes ng
kabataan;
g) magsagawa ng mga aktibidad na titipon at magpapakilos sa kasapian;
h) magsulong ng mga pakikibaka para sa interes at kapakanan ng kabataan
at mamamayan;
i) mamahagi ng mga publikasyon at babasahin ng ANAKBAYAN.
Pangkalahatang Asembliya
Ang Pangkalahatang Asembliya o General Assembly (GA) ng balangay ang pinakamataas na nagpapasya para
sa mga gawain ng balangay. Nagpapasya ang GA alinsunod sa mga kaisahan ng Pambansang Kongreso,
Pambansang Konseho at ng Pambansang Komiteng Tagapagpagganap at mga organong kagyat na nakakataas.
Ang GA ay binubuo ng lahat ng kasapi ng balangay. Idinaraos ito minsan isang buwan upang magtasa at
magbalangkas ng plano’t resolusyon ang balangay para sa isang takdang panahon.
Komiteng Tagapagpagganap (KT)
Ang pamumuno ng balangay sa pang-araw-araw na mga tungkulin nito ay nakasalalay sa Komiteng
Tagapagpagganap (KT) ng balangay. Maghahalal ang bawat balangay ng Tagapangulo, Pangalawang
Tagapangulo, Pangkalahatang Kalihim at Opisyal sa Edukasyon at Integrasyon at Opisyal sa Pinansya. Maaaring
palawakin ang KT sa paghahalal din ng ilang opisyal batay sa mga aktwal na pangangailangan at kakayahan ng
balangay (hiwalay na Opisyal sa Integrasyong Masa, Opisyal sa Gawaing Pangkultura, atbp).
AOM Teams
Binubuo ang ‘AOM Teams’ (pangkat pampropaganda at pang-organisa) sa loob ng mga balangay ng
Anakbayan upang matiyak ang pagpapatupad ng mga kasapi sa batayang tungkulin ng bawat isa na
magpukaw, mag-organisa at magpakilos sa masa.
Layunin nitong mapakilos ang paparaming bilang ng masang kasapi sa gawain ng direktang pag-AOM sa masa
at tiyakin ang mabilis at sistematikong pag-unlad ng bawat kasapi bilang masang aktibista ng pambansademokratikong kilusan.
Kinokolektibisa ang tatlong (3) kasapi pataas sa mga teams na may karaniwang Team Leader at mga Vice Team
Leader para sa Organisasyon at Edukasyon. Sa Pangkalahatang Asembliya binabalangkas ng balangay ang
pangkalahatang plano, tungkulin at diin nitong gawain. Dito nakatungtong ang partikular na plano ng AOM
Teams.
Mga komite ng balangay
Sa paglaki ng bilang ng mga kasapi ng balangay buhat ng paglalarga ng maramihang propaganda-ahitasyon at
mabilis na pagrerekluta ng AOM Teams, maaari at dapat nang buuin ang mga komite ng balangay. Sa paglawak
ng trabaho ng balangay, mainam na may mga komite na nag-iispesyalisa at nagtitiyak sa mga mahahalagang
gawain gaya ng kampanya at pakikibakang masa, edukasyon, organisasyon, integrasyong masa, pinansiya,
atbp.
Habang ang mga AOM Team ang araw-araw at direktang nagpo-propaganda at nagrerekluta sa masa, ang mga
komite ang nagtitiyak ng mga partikular na linya ng gawain sa balangay at tumutulong sa pagdidireksyon ng
larga ng AOM Teams at ng balangay.